LAFC 11 - 𝗘𝘃𝗲𝗿𝗲𝘀𝘁

10.2K 184 18
                                    


Third person's pov:

"Mama, Hindi mo naman po ako iiwan diba?"

"Of course anak, nandito lang ako, kami ng dada mo palagi sa tabi mo"

"I love you mama" Malambing na sabi ng batang Akiah sa ina.

"I love you too anak ko. Hmm? Ang sweet ng bunso ko ngayon ah, may gusto ka no?" Sagot naman ni Alicia sa kanyang anak at sinimulan niya itong kilitiin.

"Hahahaha mama stop, it tickles!" Tumatawang pagpigil ni Akiah.

-----

"Mama! Why are you kissing that lady po?? Are you cheating on dada po ba mama?" Tanong ng bata habang pinipigilan ang mga luha na handa ng tumulo.

Agad namang tinulak ni Alicia ang babaeng kahalikan nito at mabilis na pumunta sa anak.

"Akiah!? What are you doing here anak? Hindi ba sabi ko sayo na don ka lang sa room mo?" Kinakabahang tanong nito sa bata.

"M-mommy you don't love dada na po ba?" Umiiyak na tanong ni Akiah.

Saglit namang lumingon si Alicia sa babaeng kahalikan nya kanina bago humarap muli sa anak.

"Anak look-"

"No! I don't wanna here it! I hate you mama! You don't love dada na!" Sigaw nito sa kanyang ina staka tumakbo palayo.

Pumunta naman ang batang Akiah sa kwarto ng kanyang ama para isumbong ang nakita.

"Dada! mama's cheating on yo-" Hindi na naituloy ng batang Akiah ang kanyang sasabihin, nang maabutan nito ang ama na hubo't hubad habang naka patong sa isang babae na hubo't hubad din.

"Akiah?! What are you doing here?!" Malakas na sigaw ng lalake.

"You're cheating on mama too..." Mapait na natawa ang bata at malakas na isinara ang pinto ng kwarto.

-----

"Akiah, pumili ka. Kanino ka sasama? Sa mama mo o saakin?" Tanong ni Carlos sa kanyang anak.

"I choose neither one of you" Malamig na sagot naman ng bata.

"Come on Akiah, you need to choose anak" Malumanay na saad ni Alicia at tinangkang hawakan ang anak ngunit mabilis ding tinabig ni Akiah ang kamay ng ina nya.

"Don't touch me you filthy lesbian" Masama itong tumingin kay Alicia na siya namang ikinagulat ng mag asawa.

"W-what did you say? San mo nakuha yang mga salitang yan?" Pa iyak na tanong ni Alicia.

"I said, don't touch me you filthy lesbian. And wag mo ng tanungin kung saan ko nakukuha yung mga salitang nagagamit ko. It's none of your business"

"How could you say that to your mother Akiah? Apologize to her, right now!"

"Why should I apologize? Why po? Nag sorry po ba kayo saakin nung nahuli ko kayong nag chi-cheat sa isa't isa?" Inosenteng tanong ng bata sa kanyang mga magulang. Habang ang mag asawa naman ay hindi makapag salita ng dahil sa mga naririnig nila mula sa kanilang bunsong anak.

"A-anak-"

"Sila ate po? Kanino sasama?"

"Ang ate mo ay sasama sa mama mo. Habang ang kuya mo naman ay saakin sasama. Kaya tinatanong ka namin anak kung kanino mo gusto sumama" Paliwanag ni Carlos.

"I already answered your question dada. I choose neither one of you"

"Anak, alam mong hindi pwede iyang gusto mo-"

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now