LAFC 25 - 𝗨𝗻𝗲𝘅𝗽𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗻𝗲𝘄𝘀

4K 114 24
                                    

A/N: Paki play nalang po yung song kapag nag uusap na si Akiah at Aries.

-----

"K-Kiah? I-is that really y-you?" Nauutal na tanong nito.

"Eiram..." Mahinang tawag ko sa pangalan niyo.

"My.....my little sister" Naiiyak na saad nito at yumakap.

Habang ako naman ay walang ka kibo kibo. Imbis na yakapin ko ito pabalik ay mas lalo lang yumukom ang mga kamao ko.

Bumabalik nanaman yung sakit na iniwan nila sakin.

Sinabi ko sa sarili ko na kakausapin ko sila kapag handa na ako. Pero hindi pa sa ngayon, dahil dumudugo pa rin ang mga sugat na iniwan nila sakin.

Kumalas ako sa yakap at tumingin sa mga kaibigan ko.

"Sige na, mauna na kayo, mag uusap lang kami" Malamig na sabi ko.

Tumango naman ang mga ito at tahimik na umalis.

"H-how are you sis? Alam mo? namimiss kana namin ni da-"

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko na nagpa atras dito. Hindi niya ata inaasahan iyon.

"A-ah kasi pinapa hanap ka sakin ni da-"

"Well then tell him I'm not interested" Pag putol ko sa sasabihin nito.

Nakita ko naman sa mga mata nito na nasaktan ito nang husto sa sinabi ko.

"Pero sis miss na miss kana namin ni dad. Hindi mo ba kami namiss? Kahit konti manlang?" Naluluhang tanong nito.

"No? Why would I miss you kung iniwan niyo ako mag isa?" Sagot ko.

"I know na galit ka samin at hindi ka namin sinisisi-"

"Talagang huwag niyo akong sisisihin dahil kayo yung may kasalanan, hindi ako. Ako na nga yung iniwan niyong lahat tapos sisisihin niyo pa ako? Ang kapal niyo naman kung ganon"

Naluluha na ako. Kailangan ko nang umalis.

"Aalis na ako"

Maglalakad na sana ako paalis nang bigla itong lumuhod.

"Please, just give us another chance. Gusto naming itama yung mga pagkakamali namin. Just please Kiah, give us another chance"

What the fuck?

Nagulat naman ako nang biglang mag kumpulan ang mga tao sa paligid namin.

"Oh my God, hindi ba't siya ang legendary chef Eiram Corpuz? Shocks ang pogi niya!"

"Girlfriend niya kaya si girl?"

"Bakit naka luhod si Chef Eiram? Nag away ba sila ni ate girl?"

"Infairness, ang ganda ni girl"

"Ang pogi niya bes"

"Oo nga gagi! Makalaglag panty!"

Tang inang mga to, dugyot!

Bakit ba kasi nandito tong mga to?

Ano to? Live drama?"

Staka ano daw? Girlfriend? Oh hell no! Pass sa family stroke mga punyeta kayo.

"Kalimutan mo nalang na nangyare to at huwag na huwag mong sasabihin sa tatay mo na nakita mo ako" Saad ko at agad na umalis sa eksena.

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now