LAFC 19 - 𝗚𝗼𝘁 𝗰𝗮𝘂𝗴𝗵𝘁

9.6K 221 99
                                    

"Professor Gayle???" Tanong ko.

Naalala ko na.

Adviser nga pala ni Seira si prof Gayle.

"Oo, bakit? Kilala mo ba siya?"

"Yeah. Friend siya ni prof Smith" Saad ko.

"Ahhh okay" Simpleng sagot nito.

"Oh, ito na yung mga pagkain" Saad ni Renzo nang makabalik sila.

"Here you go Kai. I brought you some chocolates"

Bigla namang nagliwanag ang mga mata ko nang i-abot ni Kenzo sakin ang mga chocolate na binili nya.

"Thanks" Saad ko at ngumiti.

"Gago te!"

Nagulat naman ako nang bigla akong alog-alogin ni Kaycee.

"Aray ko masakit! Ano ba yon?"

"Diba si prof Smith yon??? Tignan mo!"

Pagkasabi ni Kaycee non ay kusa namang napa pihit ang ulo ko sa direksyon kung saan naroon ang propesora ko.

Para namang sinaksak ng pa ulit ulit yung puso ko nang makita na naka lingkis ang braso ng propesora sa braso ng isang matangkad, maputi at gwapong lalake.

Huwag kang mag overthink Akiah, baka kaibigan niya lang yon.

Yes, kaibigan lang....

Sana...?

"Earth to Akiah!"

Napa balik naman ako sa ulirat nang biglang hampasin ni Kaycee ang braso.

"Bakit?"

"Ayos ka lang? Parang iiyak kana kasi eh" Tanong nito.

"I'm okay" Sagot ko at ngumiti bago humarap sa pagkain na binili nila para sakin.

Ikakain ko nalang tong sama ng loob ko.

Tanghali palang pero pagod na pagod na ako agad.

Bakit ganon? Hindi ko maintindihan si ma'am.

Palagi niyang ipinapakita sakin na interesado siya pero may mga pagkakataon rin na ipinapa mukha niya na parang wala lang ako sakanya.

"Kai?"

Laruan lang ba ako para sakanya?

Kaya lang ba interesado siya sakin ay dahil sa katawan ko?

"Akiah...."

Ma'am bakit???

Sa dinami dami ng pwede mong biktimahin, bakit ako pa?

"Celestina"

Napa lingon naman ako kay Seira nang marinig ang pangalan na yon.

"Bakit?" Naka simangot na tanong ko.

"Kanina ka pa hindi nakikinig sa usapan. Ano bang nangyayare sayo?" Saad ni Renzo.

"Sorry, ano ba yon?" Tanong ko at pilit na ngumiti.

"May banda tayo next week, request ng university since may event daw. G ka ba?" Tanong ni Renzo.

"Sure, sige" Sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.

-----

"Hay jusko, nakaka sakit ng ulo yung mga tinuturo ng prof natin. Hindi ko na kinakaya!" Reklamo ni Kaycee nang makalabas kami ng classroom.

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now