CHAPTER 5

90 6 0
                                    


"O ayan iha, sadyang napakarikit na nang iyong itsura"

Sabi ni ateng na parang ang pangit ko talaga kanina! Grabehan siya swear!

"Salamat po...ahmm so paano na yan...ano ba talaga ang gagawin ko ho rito? Magiging katulong ba ako?"

"Naku iha! Hindi! Isa kang bisita ng donya"

"Narinig ko nga kanina na bisita raw ako? Paano naman ako naging bisita e hindi nga kami close!"

"Nakakatuwa talaga ang iyong tema ng pananalita, maaaring matutunan ko iyan sa pagtagal lalo at nariringan ko sa iyo"

"Naku teng! Madali lang ang salitaan ko! For sure mga ilang buwan lang bakla na rin yang pananalita mo! Hahaha!"

"B-Bakla?"

"Ah! Hindi niyo nga pala alam yan dito...malamang yung amo mo e alam niya kasi spokening dollar yon e! Alam niya ang salitang gay!"

"Aba oo! Sadyang matalino ang donya at mataas ang pinag-aralan!"

"Ako rin naman e! College graduate with flying colors! Kaya lang mahirap nga kasi kami kaya saktong trabaho lang ang nakuha ko"

"Ang mahalaga iha ay katulad mo naman pala ang donya sa antas ng kaalaman"

"But ofcourse! Hahaha!"

Pagyayabang ko nang biglang dumating ang isa pang katulong.

"Manag mila, ang bisita ay pinatatawag na ng donya"

"Ah ganoon ba! O' siya iha, ikay aking ihahatid na sa silid tanggapan ng donya"

Sabi ni ateng na medyo nagpakaba ng dib-dib ko pero dahil nakausap ko naman na siya kanina e go for the gold na yan kahit hindi ko alam ang dahilan ng pag-uusap nanaman namin ngayon!

Agad kaming lumabas ng kwarto ko, infairness sa pag-aayos ni ateng sa akin, ang ganda ko kaya! Para akong aattend ng linggo ng wika! Iyong mga sasayaw sa stage!

Nang makarating kami sa kwarto ni donya ay agad na nagsalita itong si ateng.

"Donya Trini, narito na po ang bisita"

"Patuluyin siya"

Sagot lang ng donya kaya naman pumasok na ako at ako lang ang dapat sa loob kaya shutaness for the kaba ang ferson!

Pagpasok na pagpasok ko ay para akong natulala dahil iba na ang suot niya at nakalugay na ang mahaba niyang buhok na medyo wavy.

Nakakamiseta lang siya at seriousness ng very light, kita ko ang dib-dib niya na litaw ang kemerut pero infairness sexy lang tignan pero hindi kalaswaan.

Nagsuot siya ng pampatong na kung sa panahon natin ay parang bathrobe.

"Have a seat"

"Salamat"

Sagot ko at siya naman ay umupo naman sa parang lamesa niya, para kasing kwartong pang-opisina itong pinasok ko.

"So, tell me about your name"

Wala lang na tanong niya, diyos ko! Ano ba to? Ang sunod ba nito how do you see yourself in five years?

"Pearlyn ang pangalan ko, pero tinatawag nila akong Pearl"

"Pearl? Ang ingles ng perlas?"

"Ah...oo yun nga!"

"I see...but then your name isnt allowed to use here"

"Ha? Bawal ang Pearl?"

"Hindi maaring gamitin ng mga indiyo ang pangalang ingles, maari kang tawagin Perlas pero hindi Pearl"

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon