CHAPTER 10

100 7 0
                                    


PEARL POV

Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko habang magkalapat pa rin ang lips namin nitong si Donya!

Hindi ko alam paanong "i-feel" ba ang tinutukoy niya! Ginagalaw ko na lang ang labi ko para naman masabi niyang nakiki-cooperate ako dahil kung hindi ko talaga gawin ang sinasabi niya malamang sementeryo ang bagsak namin nito!

Para mas mukhang realistic ang eme kissing scene namin ay iniyakap ko na dalawang braso ko sa leeg niya and we continuesly kissing.

Maya-maya ay medyo naghiwalay ang labi namin sabay seryosong lingon ni Donya sa paligid dahil nakakalat ang iilang bandido dito sa loob na may dalang mga armas.

Nakakaloka na may mga ganitong ganap din pala sa sinaunang panahon!

Nang medyo wala nang lumalapit sa pwesto namin ay nagsimula kaming gumalaw ni Donya para makarating sana kami sa parang exit door ng library na ito pero laking gulat namin ng biglang may dalawang paparating dito sa shelve kung nasaan kami.

Agad na hinatak ako ni Donya sabay isinandal sa shelves at hinalikan niya nanaman ako sa labi, shutang ina! Gamit na gamit nitong si Donya ang inosente kong labi! Hayup lang!

Sa puntong ito ay rinig namin pareho ang yapak ng dalawang bandido kaya naman nagulat ako nang biglang niyakap ni donya ang bewang ko kaya mas napalapit ako sa kaniya at nagdikit na rin ang mga katawan namin.

"Kiss me back, more intense much better"

Bulong niya nanaman between our kiss kaya ito nanaman ako for the sunod na lang, inisukbit ko ang braso ko sa leeg niya ulit sabay ginalaw ko na ang ulo na mantakin mong kaya niya akong sabayan.

Pansin ko na parang ang bihasa niya sa ganito diyos me!

Mas lalong lumalim ang halikan namin nang nasa bungad na ang lalaking isa sa mga bandido.

"Kayong dalawa! Husto na yan! Magsiyuko kayo!"

Sigaw ng lalaki sabay paghiwalay ng labi namin at ipinatong ni Donya ang kamay niya sa ulo ko para isabay sa pagyuko niya sa lapag.

Halos nakaharap na ang mukha namin sa lapag at sa totoo lang sobrang kabado ko na kasi nakatitig lang sa amin ang lalaki.

"Manatili kang nakayukod, huwag na huwag kang aangat ng iyong mukha"

Mahinang sabi ni Donya habang nakayukod din.

"Ano ba kasi ang nangyayari?"

Balik na bulong ko sa kaniya.

"Those men are from Soledad"

"A-Ano? So meaning—"

"—yes. She command these men to kill me"

"Ano!?—"

Napalakas ng bahagya ang boses ko nang takpan niya agad sabay yukod naming muli.

Kaya pala siya nag-disguise ngayon dahil gusto niyang hindi siya makilala! Ang tanga ko talaga! Bakit ba hindi ko naisip yon!?

Maya-maya nang makaalis na ang lalaking bandido e hinawakan na agad ni Donya ang kamay ko para hatakin ako paalis sa pwesto namin hanggang makarating kami sa parang exit nila sa likod.

"Get in!"

Sabi ni Donya at mabilis na binuksan ang pinto sa exit na kahoy lang naman pero shutanes mukhang mabigat!

Nang makapasok kami at lalabas na sana sa isa pang pinto na may hagdan e bigla na lang bumukas ang pinto na pinanggalingan namin at itong mga lalaking bandido ang pumasok.

"Saan kayo pupunta!"

Malakas na sigaw ng lalaki sabay hatak sa kamay ko kaya naman agad kong itutulak sana siya nang akma niya akong sasampalin pero mabilis na lumitaw sa pagitan namin ni donya.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon