CHAPTER 1

358 13 0
                                    

CHAPTER 1

"Pa!? Pa!? Sumagot kayo! Please pa! Ma!!! Si papa!!!"

Malakas na sigaw ko nang makita ko si papa na nakahandusay sa lapag, halos namumutla na ito at wala nang malay.

Agad ko siyang iniangat sa binti ko para mas makita ko ang hitsura niya kung may dugo ba siya or kung ano.

Mabilis na pumasok sa kwarto si Mama na halos mapasigaw na rin. Kasunod niya si Elisa ang bunso kong kapatid na babae.

"Diyos ko Bernardo! Anong nangyari!?"

"Nakita ko na lang siyang nasa lapag ma!"

"Elisa! Bilis tumawag ka na agad ng ambulansiya o kahit anong tulong sa labas!"

Sigaw ni mama kay Elisa kaya naman mablis na hinawakan ng kapatid ko ang cellphone at nag-dial agad.

Maya-maya lang ay mayroon nang dumating na ambulansiya kaya naman agad na nilang isinakay si papa ay isinugod sa ospital.

Minabuti ko na lang na si mama ang pasamahin dahil ako ang mag-aayos ng mga gamit ni papa rito para dalhin sa hospital.

"Ate, ano ba ang nangyari kay papa?"

"Hindi ko rin alam e' bigla ko na lang siya nakita sa lapag na walang malay"

"Pero kanina lang ay malakas pa si papa, nagpatimpla pa nga ng kape kasi maggigitara kami at kakantahan niya si mama"

Pag-aalalang paliwanag ni Elisa kaya naman pati ako e nagtataka rin sa kung anong meron.

Alam kong walang sakit si papa at mama dahil lagi ko silang pinapa-check up, maayos ang trabaho ko sa museum at maayos naman ang kitaan ko kaya kahit papaano ay nakakaangat naman kami pero hindi nga lang iyong literal na mayaman.

Naging maayos lang ang buhay namin noong natanggap ako sa museum bilang taga-assist at taga-tour na rin.

"Hindi ko rin alam, mamaya ay pupunta ako sa hospital para malaman natin kung anong nangyari kay papa"

Sabi ko sabay yakap ko kay Elisa. Ako nga si Pearlyn o mas kilala bilang Pearl, nasa bente sinko na ako at si Elisa ay nasa Labing anim na taon naman.

Sa kwento ko kanina, obvious na wala akong boyfriend, nagkaroon dati pero waley! Naghiwalay rin, nagtagal kami ng halos pitong taon pero sa hiwalayan din ang hantong.

Sabi nila kung mahaba ang relasyon niyo, dalawang bagay lang ang ending, either break up or kasal at sa amin ni Leo e' malabo ang kasal.

Ako na ang nagpapakain sa pamilya ko at aminado naman ako sa responsibilidad ko pero ayaw ni Leo, gusto niyang bitawan ko ang pamilya ko na naging dahilan ng pagkakalabuan namin.

Ngayon ay magtatatlong taon na kaminh hiwalay at maayos naman ang buhay ko as single and breadwinner.

Matapos kong maayos ang mga kailangan ni papa sa hospital at ibang medical document niya ay agad na akong umalis para pumunta roon.

Naiwan muna si Elisa na ibinilin ko ko Ajax ang bestfriend at kababata ko na bading, so far siya ang kaligayahan ko sa tuwing nagsesenti mode ako.

Halos buong araw ang tawanan namin once si Ajax na ang nagsalita, well ako rin naman minsan ang greatest enemy niya lalo at nagtatalo kami at nag-aasaran.

Sumakay na lang ako ng taxi hanggang makarating ng hospital. Agad akong nagtunggo sa emergncy.

Nakita ko naman si Mama na nakaupo sa tabi ni Papa na wala pa rin malay.

"Kamusta na si papa ma?"

"Diyos ko anak, mabuti at narito ka na"

"Bakit po ma? May sinabi na po ba ang doktor tungkol sa kalagayan ni Papa?"

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon