CHAPTER 7

72 5 0
                                    


PEARL POV

Nakaw tingin ang peg ko ngayon dahil dito kay donya! Hindi ko gets bakit may pagganun?

It has been a while since makaramdam ako nang...hays! Yung mga ganung feelings! Letse! Kahit babae siya parang naalala ko ang mga yon! When someone trying to protect me...

Sana all na lang talaga pinoprotektahan! Habang napapaisip ako at natutulala ay nagulat na lang ako nang magsalita itong si Donya.

"You little...upset, what's wrong?"

Tanong ni Donya na sa totoo lang hindi ko inasahan.

"Ha...? Hindi ah! Medyo nakakatuwa lang kaso sumakay sa ganito..."

"Tila ngayon ka lamang nakaranas ng karawahe?"

"Obvious ba? Hahaha! Grabe ba palang halata! Hahaha!"

"I am not sure why you seem like new to all this which put me to wonder if you arent from this time—"

"—parang shunga to eh! Nagpapatawa ka ba—"

"Yes! I am just messing wth you but better fix yourself so people wont think the same"

"Bakit ba kailangan mong sabihin lagi yan? Mukha ba akong hindi gagawa ng maganda!?"

Tanong ko sa kaniya at mantakin mong tinignan niya lang ako moving her face sa mukha ko dahil nga magkatabi lang kami!

Wala siyang sinabi at tinignan lang ako tapos lingon sa kabilang side nanaman! Grabe talaga ang babaeng to e!

Nanahimik na lang ako at naghintay na makarating kami kung saan hanggang sa huminto na ang karawahe.

Halos mapatingin ako sa buong building na hinintuan namin, ewan ko ba kung bakit pero...ang pamilyar ng building na ito sa akin, parang nakita ko nang ewan!

Nang pababa na kami at ready na akong ilahad ang kamay ko kay Donya para tulungan ako bumaba e ang dimunyu ay agad akong iniwasan ako!

Letse muntik na akong mahulog na ewan! Nakakagigil tong babaeng to e!

"Ano ba! Akala ko naman aalalayan mo ko!"

"You already know how to do it, batid kong alam mo na rin ang pagbaba"

Sagot nitong si Donya na talaga namang nakakainis lalo!

"Pero sana sinabi mong hindi mo ako hahawakan dahil mahuhulog ako e!"

Inis na sagot ko pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad hanggang makapasok ng building na sa totoo lang nakakaamazed kasi ang ganda pero makaluma hahaha! Ang style at design e maganda pero pang luma ang pagkakagawa.

Ang galing! Para akong nagtotour sa mga historical place! Hahaha!

Dahil sa amazement ko e sumunod ako agad kay donya hanggang makapasok sa loob ng building, agad na sinalubong siya ng mga tao na parang mayayaman yata, mukhang mga katulad ni donya ang damitan nila.

"Kinagagalak kong makita kang muli Trinidad"

"Halos tatlong buwan ang iyong pagkawala nang umalis ka rito sa San Delfin subalit ano nga ba ang dahilan ng iyong pagbabalik?"

Sagot ni donya na hindi ko alan pero parang kakaiba ang gusto niyang i-point, para kasing nakataas ang kilay niya.

Iyong kaninang nakangiting babae e parang nawala ang ngiti sabay baling niya kay donya.

"Hindi ko alam kung ano ang iyong tinuturan o ang iyong pinupunto sa iyong sinabi ngunit kung ang gusto mo lang ay malaman ang dahilan ng aking pagbabalik ay maari ko naman sabihin—"

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon