CHAPTER 12

77 4 0
                                    


PEARL POV

"Waaahhh! Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit ko ba kasi tinanong pa yon!? Waaaahhh bobo is me talaga!"

Naiiyak kong maktol ngayon sa sarili habang inaalala ko ang kahihiyan ko kanina kay donya!

"Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kaniya!? Diyos ko lord! Lamunin na lang sana ako ng lupa...!!!"

Sabi ko habang napapaluhod ako na ewan dito sa kwarto ko, iniisip ko ngayon kung paano nga ba humantong ang tanong ko sa topic na yon!?

FLASHBACK

"Yes?"

"Ahm...ano kasi...iyong...yung sa library yung...h-halik..."

"Ano naman ang tungkol sa bagay na iyon?"

"Ha? Ahahaha! Wala! Hayaan mo na! Wala lang pala yun—"

"—I kiss her..."

"Ha? Sino ang hinalikan mo?"

"Iyong taong aking binanggit na aking tinatangi noon ay ang aking kababatang babae, sa hindi ko alam na dahilan ay nakaramdam ako ng pagtangi sa kaniya na higit pa sa isang kaibigan o kababata, siya ay aking nahahalikan sa labi at sa tingin ko ay wala naman masama lalo pa at tayo'y kapwa babae naman ngunit...may dinaramdam ka ba tungkol doon?"

"Ha? Wala! Ahmmm naintindihan ko na! Tama ka naman! Parehas babae naman kaya walang masama...sandali! Babae!? Seryoso ka!?"

"Do I look like I'm joking?"

"Hindi pero...so that means...lesbiyana ka?"

"...if that what you think I am"

"Ahmm so may pagkakataon na nagkakagusto ka sa kapwa babae, kaya mo ba ako hinalikan?"

"What? Seriously?"

"Ahmm...may mali ba sa tanong ko?"

END OF FLASHBACK

After ng tanong kong yon e tinawanan niya lang ako ng malakas na parang wala nang bukas at saka lumabas ng kwarto ko.

Tang ina naman kasi! Bakit ko ba kasi tinanong yung ganun!? Daig ko pang nag-eexpect ng kung ano e!

Sa totoo lang wala na talaga akong ihaharap na mukha sa kaniya, daig ko pa si Mira e! Si assuMira! Pero seryoso, now that I am realizing what she said...kaloka lesbiyana pala siya? Pero pwede rin naman na hindi kasi iyong mga tropa ko sabi unless mga babae ka na lang nagkakagusto e malamang ganun ka pero ibang usapan si donya...

Mukhang may malalim na rason ang pagkakagusto niya sa kababata niya kasi mukhang for the broken heart period pa itong so donya the way she said it na may asawa na ang minamahal niya.

Hays! Pati pala sa panahon na to e may complicated status din pala!

Habang nasa pag-iisip at gitna nang pagsisisi ko e biglang kumatok si manang Mila.

"Iha, ikaw bay ayos na?"

"Ho? Opo! Nakabihis na po ako!"

Sabi ko sabay binuksan ko ang pinto ko kay Manang. Agad niya naman akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

"Iyan na lang ba ang ayos ng iyong buhok?"

"Ho? Ano po ba dapat?"

"Aking nabatid lamang na panay na ganiyan ang ayos ng iyong buhok, pirmi ka lamang na nakalugay"

"Ah...e kasi po wala naman akong alam sa pagaayos ng buhok kagaya ng kay donya o kahit sinong mga babae rito na nakapusod"

"Abay bakit hindi ka nagsabi? Maari naman kitang turuan iha, ako mismo ang mag-aayos ng iyong buhok"

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon