CHAPTER 2

148 9 0
                                    

"Bernardo! Bernardo!!!"

"Pa!!! Huwag mo kaming iwan! Lumaban ka!!!"

"Pa...!!! Pa...!!!"

"...Pa...!!!!"

Isang malakas na sigaw ko nang magising ko mula sa panaginip ko, nakikita kong nagaagaw buhay na si papa sa hospital kaya naman agad ako tumayo at kinakapa ko ang hawak kong libro at bag ko nang wala akong makapa.

"Hala! Nasaan ang gamit ko!?"

Tanong ko sabay lingon ko sa paligid, napansin kong para akong nasa loob ng kung anong mga sako-sako ng mga mais at mga bigas.

"Diyos ko! Paano naman ako napad-pad dito sa imbakan ng pagkain?"

Tanong ko sa sarli ko kaya naman agad na akong naglakad at lumabas ng pinto nang magulantang ako dahil sa mga iilang batang nasa paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Ang init pero nakapajama ba ang mga batang to?"

Tanong ko sabay baling ko ng tingin sa isa sa mga bata.

"Oy kid! Nasaan ba tayo ha?"

Tanong ko pero kinunutan lang ako ng noo nito at nakita kong nagbulungan sila kaya nagsalita akong muli.

"Hindi ka naman bingi bata hindi ba? Nasaan ba kasi tayo ha? At nakita niyo ba ang bag ko at libro ko!?"

Tanong ko na medyo nakataas na ang kilay ko pero wala pa rin silang reaction sa tanong ko kaya naman nakakaramdam na ako ng bahagyang pagkapikon.

Agad akong lumapit sa kanila nang may magsalita sa likod ko.

"Abay gising na pala ang kakaibang kasootang binibini!"

Sabi ng babae sa likod ko na napatingin pa ako mula ulo hanggang paa dahil akalain mo ba namang naka baro't saya siya!

"Wow! Ang modern masyado ng suot mo girl ah!"

"Ano ang iyong tinuran? Hindi ko mabatid ang iyong lengwahe"

"Akalain mong pati iyang salita mo e for the oldies ah! Ano bang trip to ha!? Can anyone tell me where I am?"

Tanong ko na medyo nag-iinit na ang ulo ko nang agad nabigla ang babae sa harap ko.

"Santisima! Ikay maalam sa lengwaheng engles!"

Sabi niya na napairap na ako ng malala!

"My god! Of course! Who else doesnt!? Hello! Nasa 2023 na tayo kaya malamang marunong naman ako mag-english!"

"Diyos ko! Tama nga ang mga paslit na ito kakaiba nga ang babaeng ito!"

Sabi ng babae na akala mo nagtutula!

"Sandali nga! Bakit ka ba ganiyan magsalita? Nasa panahon ba tayo ni kopong-kopong para ganiyan mo ako kausapin ha!?"

"K-Kopong...? Ano ba ang iyong tinuturan iha? Marahil ika'y nabagok at tila nawala na sa iyong tamang kaisipan, mabuti yatang ikaw matignan ng manggagamot!"

Sa totoo lang hindi ko na gets ang trip ng mga to kaya naman napapairap na ako sabay pagbabago ko na lang ng topic namin.

"Fine! Kung trip niyo yang mga ganiyan ang akin lang, nasaan na ang bag ko at ang libro kong gold!?"

Sa tanong ko ay agad kumunot ang noo ng babae saba'y tumingin sa mga bata at naglakad palapit sa kanila.

Tahimik niyang kinausap ang mga ito at agad na nilabas nila ang gamit kong hinahanap kaya naman mabilis akong lumapit sa kanila at hinatak ang bag at ang libro ko.

"Kanina pa ako nagtatanong ng gamit ko tapos wala kayong sinasabi! Nakaka-ulol kayo ah!"

Inis na sabi ko habang nakatingin ng masam sa kanila.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon