CHAPTER 4

103 8 0
                                    

PEARL POV

"Seriously? Bakit naman kailangan kong tumira rito sa bahay ng babaeng yon? Diyos ko itsura niya pa lang e mukha nang nanlalapa! Donya na agad sa murang edad!? Nasaan na ba kasi rito sila Jose Rizal nang mahingian ng tulong!"

Pagmamaktol ko nang makapasok ako rito sa bago kong kwarto dito mismosa bahay ng Donya eme na yon!

"Sanay maging maayos ka rito iha, huwag kang mag-aalala sadyang taimtim lamang ang pakikitungo ng donya ngunit makikita mo, iyong mapapakisamahan din siya ng maayos"

Paliwanag nitong si ateng na dito rin ata nakatira sa mansion.

"S-Sige...sabi mo e! Hahaha! Pero...yan bang donya niyo e yan talaga ang itsura niya?"

Tanong ko na nagpakunot ng ulo ni ateng, mukha pa yatang nalito sa tanong ko e! Nakakaloka! Sana hindi may briefing muna or nag-language 101 muna ako bago mapunta rito!

"Ano ang iyong gusto ipabatid? Ano ba ang itsura na iyong tinutukoy?"

"Ahmm...yung ano...yung, I mean yung mukha niya! Talaga bang sa mukha niyang yan e Donya na siya?"

"Ah...iyon pala, hindi kita masisisi kung ikaw naguguluhan din, sadyang marami ang nagtataka sa edad ng donya at sa titulo niya"

"O yun naman pala! Gets mo naman pala teng! Anyways! E bakit nga ba parang ang bata niya pa tapos donya na siya agad?"

Tanong ko na marites na marites ang datingan ko kaya natatawa ko deep inside! Hahaha!

"Maagang naulila ang donya Trini, ngunit hindi iyon naginh hadlang upang magawa niya at mahawakan niya ang mga niwang gawain ng kaniyang mga magulang, siya ay pinamanahan ng malaking salapi at yaman, halos lahat ng makikita mong establishamento rito sa San Delfin ay pagmamay-ari ni Donya Trini"

"Wow! Yayamanin pala! E, ilang taon na ba siya kasi?"

"Taon? Ang edad ba ang iyong tinutukoy?"

"Oo taon! Hindi ba taon-taon naman tayong tumatanda kaya taon!"

"Tama nga, edad nga ang iyong nais malaman, magdadalawampu at anim na ang Donya sa susunod na buwan"

"Dalawampu at anim...ha!? Twenty-six pa lang siya!? Wow! Ang bata niya talaga!"

Nanlalaking matang sabi ko dahil seriousness nakakagulat ang sinabi nitong si ateng! E matanda lang siya ng ilang taon sa akin e andun pa rin ako sa poder ng mga magulang ko tapos siya e nagmamay-ari na nang mga kung ano-ano!

Galing! Lakas maka-unfair lord ah! Bakit ba laging yayamanin mga nakikilala ko tapos ako dukha!? Kaloka!

"I-Iha...ayos ka lang ba? May gusto ka pa bang malaman?"

"Ah! Ayos lang po! Sorry! Ahmm sige po okay na, ako na ang bahala sa mga gamit ko rito"

"Mainam! O' siya maiwan na muna kita ngunit mamaya ay ipapatawag ka ng donya kaya maiging maayos mo na ang iyong gamit, nasa mga tokador ang mga bagong damit mo, ang bilin ng pinuno sa bahay aliwan ay kakaiba raw ang iyong kasuotan na halos bumakat na ang iyong katawan! Hindi iyan maari para sa isang dalaga! Kaya hala! Ikay magbihis na upang maging maayos ang pagharap mong muli sa Donya"

"Ah...s-sige po... no probs!"

Sagot ko na lang dahil if may sabihin pa ako e for the sermon nanaman si ateng! Pero aaminin kong ang cute niya manermon! Para akong nakikining ng spoken poetry! Hahaha!

Dahil umalis na itong si ateng na kung maka-iha sa akin e akala mo kasing tanda niya na ang lola ko e mukhang matanda lang ng kaunti si mama sa kaniya e!

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon