CHAPTER 9

86 7 0
                                    


PEARL POV

"Why do you want to visit a library?"

Simpleng tanong lang nitong si Donya kahit ako dapat ang unang magtatanong tungkol dun sa ekesena nila nitong si Soledad.

"Wala, may gusto lang akong mabasa"

"Patungkol saan?"

"Ahm...sa mga bagay-bagay lang, alam mo naman na bago lang ako rito, may mga gusto lang akong matutunan...hehe"

Sabi ko na lang pero parang hindi yata pasado sa kaniya ang sagot ko diyos me!

"Sa pananatili mo rito ay matutunan mo naman ang lahat, hindi kalaunan ay makakasabay ka rin sa nakararami"

"Yeah I know, but...I still want to learn on my own"

Sagot ko na nagpalingon sa kaniya sa akin.

"You love reading and learning dont you?"

"Oo naman! Sobrang saya ko tuwing nakakapagbasa ako at natututo ako ng mga kung ano-ano"

Sabi ko at lalo siyang napatitig sa akin.

"Maari kang mag-aral kung gusto mo"

"Ha? Mag-aral? Paano naman mangyayari yon—"

"—just tell me if you want to and I can make it possible for you"

Bigla niyang sambit at kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya.

"Ahmm sige ba, pag-iisipan ko yan..."

"Hmmm mainam, batid ko ang kaalaman mo sa pag-oobserba, tila maalam ka rin sa paghimay ng mga sitwasyon kaya naman alam kung nakuha mo agad ang pangyayari kanina, kaya kong pag-aralin ka bilang manananggol, magiging magaling sa larangan na iyon"

"M-Manananggol...?"

"A lawyer, you can be a good lawyer"

"Ha!!?!! Diyos ko! Wala akong perang pambayad sayo! Napakamahal ng pag-aaral non!"

"Walang kaso ang kamahalan sa akin kung sa pag-aaral naman, batid ko naman magbubunga ng maayos ang lahat lalo at mukhang mahilig ka naman mag-aral"

"Hmmm o sige pag-iisipan ko yan"

Sagot ko lang habang napapaisip naman talaga ako dahil hindi biro ang pag-aaral ng law! Diyos ko, kahit nasa lumang panahon pa ako e mukha naman na mamahalin pa rin ang pag-aaral non e!

Habang kinakausap ko ang sarili ko ay hindi ko namalayan na huminto na pala ang karawahe namin at itong si donya ay nakababa na pala kaya mabilis na rin akong bumaba.

Hindi ko alam kung mukha bang library ang building na tong nasa harap namin pero maliit lang kasi ito, well small but terrible ika nga so try natin muna ang library na to baka naman narito talaga ng hinahanap ko.

Nang makapasok kami ay si Donya ang humarap sa mga staff at magalang siyang sinalubong ng mga ito.

Ewan ko ba kung anong kwentuhan nila kasi maya-maya rin lang e pinatuloy na kami sa loob.

Sobrang nakakamangha lang ang itsura sa loob kasi ang relax ng designs, it seems like it attracts you na umupo at magbasa.

Umupo lang si Donya sa main couch at biglang lumapit ang isang matandang babae sa kaniya, I guess kaya sinama niya rin ako rito dahil may main purpose din siya kaya naman nag-abala na rin akong hanapin ang libro na kailangan ko.

Doon ako sa libro ng mga ibat-ibang language, naghanap ako ng angkop sa kailangan pero natulala ako dahil dalawang language lang ang meron dito, English at tagalog.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon