CHAPTER 11

87 3 0
                                    


"Lechon! Lechugas...! Lintik! Bistek! Bwesit! Akala mo ang gaan niya! Huy! Donya! Baka pwedeng gumising ka ano ba!?"

Pagrereklamo dahil seriously! Mantakin niyong makatulog ba naman tong lukaret na to after kissing me again!

Hindi naman sa naiinis ako dahil doon pero naman! Parang feeling ko biglang habbit niya na lang manhalik e!

Kahit halos hinihingal na ako e todo hatak na lang ako sakaniya habang nakaakbay siya sa akin.

Nakarating na kami sa kwarto ko pero ang kwarto niya e ang layo pa! Nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kwarto niya at kwarto until may maisip akong idea na hindi ko alam kung good idea ba or bad!

Napatingin ako sa mukha niyang for the tulog ang peg!

"Iinum-inum kasi tapos hindi naman pala kaya! Uso rin pala lasingera sa panahon na to!"

Pagrereklamo ko at iyon na nga, minabuti ko na lang na sa kwarto ko na lang siya pahigain, diyos ko, wala naman yatang malisya dahil parehas kaming babae!

Halos hatakin ko siya sa kama ko dahil nga ang tangkad niya! May height naman din ako pero hindi talaga ako lelevel sa tangkad ng babaeng ito!

Nang maihiga ko na siya ng maayos e doon na lang ako nakabuntong hininga.

"Nakakaloka! Ang bigat niya! Ano kaya ang work out ng babaeng to at medyo masel-masel......ay oo nga pala! Ang galing niya kanina! Akalain mong marunong pala ng martial arts ang babaeng to? Nakakawindang sa revelations ah!"

Sabi ko na tuloy-tuloy na ang pagsasalita ko nang bigla siyang gumalaw.

"—ay santisima!"

Sabi ko dahil sa gulat ko! Akala ko nagising siya dahil bigla niyang niyakap ang unan ko pero ayun tulog pa rin pala ang loka!

Isang matinding buntong hininga na lang ang ginawa ko sabay nagsimula na rin ako maghubad ng damit ko hanggang sa kamiseta na lang ang natira sa akin.

Pumwesto na rin ako sa kanang part para makahiga ako ng maayos since mukha namang payapa na siya...I mean tulog na tulog na pala! Hahahha!

Pinikit ko na rin ang mata ko dahil antok na antok na talaga ako.

Hindi ko alam pero parang may kung ano akong naamoy na hindi ko maintindihan kaya naman napadilat ako ng mata ko.

Halos pupungas-pungas pa ako nang makita ko si donya na nakatayo malapit sa bintana ko at nakabukas pa ito habang magsisigarilyo siya.

"Ano yan? Nagsisigarilyo ka!?"

"What's your problem?"

"Wow! Ikaw pa nagtatanong niyan ah! Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit narito ka!?"

Inis na balik tanong ko sa kaniya pero hindi naman niya ako sinagot at naka-cross arms lang na nagtuloy sa yosi niyang amoy ewan!

Napabangon na tuloy ako sabay lingon ko sa orasan na makaluma, iyong may tali pa! Ito ang nasa kwartong ito kaya ito gamit ko.

Mag-aalas kwatro pa lang pala ng umaga pero gising na itong si donya. Nang makaupo ako ay pinagmasdan ko ang mukha niyang nakatagilid ngayon habang nakatanaw sa labas.

"Ahm, okay na ba ang pakiramdam mo?"

Tanong ko pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.

"Why? What makes you say that?"

"Kanin kasi e lasing na lasing ka at mantakin mo bang hinali—I mean...ano...hin...hinimatay ka! Oo yun! Hinimatay ka!"

Sabi ko na parang kakaltukan ko bigla ang sarili ko! Hayup! Muntik na ako doon e! Hmmm...tanda niya kaya ang ginawa niya sa labi ko!? Bwesit! Pagnaaalala ko e sarap sabunutan ng bruhang to e!

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon