CHAPTER 6

82 7 0
                                    


PEARL POV

Halos napapahikab pa ako nang mapabanhon ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko.

"Sandali!"

Sigaw ko pero the momemt na nagsalita ako at tatayo pa lang ako e nakaka-shock na biglang pumasok tong mga julalay ni Donya na dimunyu!

"Binibining Perla pinatatawag na po kayo ng donya, maaring kayo po ay magbihis na, narito po kami upang kayoy tulungan"

"Ha? Naku! Hindi na need! Keri ko na!"

"Po? A-Ano po ang inyong tinuran?"

Natigilan ako when I realized na hindi nga pala nakakainti ng english itong mga ateng!

"Ahm ang sabi ko po, ako na po ang bahala sa pagdadamit at pag-aayos ko"

Pagpapaliwanag ko at goodness! Naintindihan naman pala nila! Maya-maya ay nagpaalam na silang lalabas at ako naman e mabilis nang ni-lock ang pinto ko.

Akalain mong bigla na lang silang papasok! Kalurkey talaga! Agad na akong bumangon at nagbihis! Seriously, hindi pa ako sanay talaga na walang bra!

Naku! Sana lang hindi mag-wiggle-wiggle ang boobey ko rito! Mabuti pa sila mukhang sanay na sa mga damit nila!

Habang napapaisip ako ay naalala ko ang bag kong dala, may cellphone ako at yung gintong libro.

"Hindi ko muna ito dapat ipakita kung kanino basta-basta! Hays! Saan ko ba pwede itatago ito?"

Nagpalibot agad ang mata ko sa buong kwarto ko hanggang mapansin ko ang cabinet ko at nakaisip na ako ng taguan.

Ilang sandali pa ay nag-ayos na ako ng buhok, puro hairpin lang ang laman at mga goma kaya naisip ko na lang na maglagay ng hairpin sa bangs ko sabay pinusod ko na lang ng pataas.

"Diyos ko! Para talaga akong pang linggo ng wika!"

Sabi ko habang nakaharap sa salamin nang biglang kumatok si ateng na ka-close ko kaya for the bukas na ako agad ng pinto.

"Mabuti at ikaw maayos na pala, kanina pa naghihintay ang donya sa hapag upang makapag-almusal"

"Ah! Sige po ito na lalabas na po"

"O' siya tayo na iha upang masamahan kita hanggang sa hapag"

"Okay manang! Medyo malaki nga kasi ang mansion nitong si donya, baka maligaw ako!"

Sabi ko at simpleng natawa lang siya, napaka-demure ng mga ito, yang tawa niya kayang yan e masayang-masaya na siya!?

Napapangiti ako sa iniisp ko habang nakasunod kay manang nang hindi ko mapansin na nasa hapag na pala kami at itong si Donya e nakatitig na pala sa akin!

"Husto na ang pagtayo mo at umupo ka na upang kumain! Hindi ako buong araw na maghihintay sayo!"

Mataray na sabi nitong si Donya na dimunyu! Ang aga-aga e high blood!

"O' kalma! Ito na nga uupo na e!"

Sagot ko at itong si manang e hinatak pa ang upuan para sa akin.

"Naku manang hindi na po kailangan gawin yan, kaya ko na po—"

"—hindi mo obligasyon ang pakialaman ang trabaho ng mga tagasilbi. Maaari bang kumain ka na upang matapos na"

Pagsaway nanaman nitong si donya kaya isang mapilantik na irap na lang ang ginawa ko sa kaniya.

Ewan ko kung uso ang salitaan sa kainan dito sa panahon na to kaya for the silent ang peg ko ngayon! Tahimik na lang kaming kumain nang biglang lumapit ang isang katulong sabay bumulong kay donya.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon