CHAPTER 3

109 9 0
                                    




Napapapungas-pungas ako at napadilat na rin dahil may kung sino-sinong nagtatawanang mga babae sa labas ng pinto ng kwarto namin.

Sa totoo lang hindi ko inexpect na gigising akong narito pa rin! Hayst! Akala isang wirdong panaginip lang to!

Napapasapo ako sa buhok ko sabay labas ko ng kwarto nang tumambad sa akin ang mga babaeng nahinto bigla sa pagkukwentuhan.

"Pordiyos! Bakit ka narito na ganiyan lamang ang kasuotan!?"

Tanong ng isang babae na ang aga-agang putok ang make-up!

"Ano bang mali sa suot ko? Nakabestida naman ako nang mahaba ah! Sobrang balot na nga ang katawan ko!"

"Ano bang klase ang iyong pananalita? Ika'y tagalog naman ngunit kakaiba ang iyong pananalita?"

Singit naman ng isa pang babae sabay ang ilan ay hinawakan ako sa magkabilang braso ko at inakay akong pabalik ng kwarto.

Gusto ko man magpumiglas ay hindi ko magawa dahil nakakailang magreklamo sa mga babaeng ito kaya naman wala na akong magawa kung hindi maglakad na lang din pabalik sa kwarto.

Pinaupo nila ako at naging abala sila maghanap ng damit para sa akin hanggang sa simulant nila akong bihisan.

"Hindi maaring lalabas ka sa ganiyang kasuotan lamang"

"Oo na! Ano na ba kasi ang pwede kong suotin?"

"Iyong matutunghayan mamaya"

Nakangiting sabi ng isa sa mga babae at ako naman ay nakaupo na lang at bahala na sila kung ano ba ang gagawin nila.

Maya-maya ay halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Goodness! Ako ba talaga ito? Medyo oldies ang style pero naknang pucha! Ang ganda ko!

"Ang iyong karikitan ay natatangi Perla!"

"Sinong mag-aakala na mayroon ka pa lang tinatagong karikitan!"

Papuri nila na medyo nagpapa-blush ng pisngi ko, yes korek! Ito ang kakaiba sa akin, tuwing may nagco-commend sa akin lalo pisikal ay talagang namumula ang mukha ko.

After nang purihan namin ay sinama nila akong maglakad palabas at kasama rin ang pinunong babae na nakausap ko kanina.

Lumapit at kumapit ako sa braso ni Marisa na nagpapay-pay pa, well actually lahat sila may dalang pamaypay na akala mo ang init-init palagi e ang hangin naman!

Habang naglalakad kami ay nakatingin ang lahat sa amin pero wagas na pagtakip lang ng pamaypay ang ginagawa ng mga babaeng ito, medyo gusto ko matawa pero baka bigla nanaman silang magtaka.

"E' girl, saan ba tayo gogora ha?"

"Gora? Ano ba ang gora na lengwahe?"

"Ay! Oo nga pala, ano, ahm...ibig kong sabihin, saan ba kasi tayo pupunta?"

"Tayoy tutungo sa ginang na may ari mismo nang ating tinutuluyan"

"Ginang?"

"Siyang tama, marami siyang pag-aari rito sa San Delfin, sa buong Manilayan ay batid ng lahat ang kaniyang ngaran"

"So in short para siyang sikat na tao"

"A-Ano? Ikaw panay sa pagsambit ng Engles, akoy iyong patawarin ngunit hindi ako maalam sa ganiyang lengwahe, tanging ang mga batid at tanyag lamang na pamilya ang may pag-aaral sa lengwahe na iyan"

"Katulad nang ginang na sinasabi mo?"

"Siyang tunay! Si Donya Trinidad ay maalam sa lahat ng bagay at sadyang mapera at batid ng lahat dito sa amin"

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon