CHAPTER 8

73 6 0
                                    

PEARL POV

Ewan ko kung ano ba talaga dapat ang gawin kong observation pero since wala naman na akong magagawa e gagawin ko na lang ang best ko! Nagpalibot-libot na ako ng mata ko hanggang sa mapansin ko silang lahat na parang nagtitinginan ng plakard bago magtaas, ewan ko ba kung ano ang tinitignan nila.

Maya-maya lang ay halos makasampo na ang nilabas ng gamit pero itong si donya ay hindi pa rin nagtataas ng kamay, mukhang hinihintay niya rin ang puntirya niyang gamit.

Hindi ko alam pero parang gusto ko pa magmasid-masid ng maayos kaya naman tumayo na ako sabay baling ko kay donya na kahit parang walang pakialam sa akin e malamang need kong magpaalam!

"Ahm, gusto ko sana maglakad-lakad"

"Tila may nabatid kang kakaiba, hindi ba?"

"Oo. Lalo ang mga hawak nila"

"O siya, ikaw na ang bahala basta magbalik ka agad sa tabi ko sa paglabas ng gamit na hinihintay natin"

"E' ano ba ang gamit na hinihintay natin?"

"Isang bulaklakin na surod"

"S-Surod? Teka! Suklay lang ang bibilhin mo rito!?"

"Ikaw manahimik! Hindi ko pa masasabi ang tungkol doon sa ngayon, mabuting humayo ka at gawin ang nararapat mong gawin!"

Sabi nitong si donya na nakakaloka ang biglang sudden change of moods! Umalis na lang ako at nagsimula na akong magtingin-tingin. Ewan ko kung bakit nga nagtitinginan pa sila sa isat-isa bago magtaas ng plakard e dapat nga magkakalaban sila...teka, baka naman kasi...hala! Sandali, kailangan ko munang masigurado ang hinala ko...

Dahan-dahan akong naglakad malapit doon sa mga taers na napansin kong nagtitingina, actually after nila magtinginan e doon sila nagkakaroon ng hint kung tataas sila ng plakard o hindi kaya inabangan ko talaga hanggang sa makita ko ang mata nila, parang nagpapasahan sila nang tingin hanggang sa mahinto ang tingin sa isang taong na sa tingin ko e gets ko na kung ano ang nangyayari though...kailangan kong alamin ang motibo nila.

Katulad ni donya, ilang gamit na rin ang pinalampas nila, kailangan malaman ito ng donya. Agad naman akong lumapit ulit sa donya at umupo sa tabi niya.

"Tell me"

"Ah...well, I just noticed that the woman you talked earlier, she has a few men around acting like a buyer but they never purchased anything yet and I dont understand why..."

"That is because they are plotting something here"

"Ahm...alam mo ba kung ano kaya iyon?"

"Batid ko na ang nais nila, sa paglabas ng surod na aking hinihintay ay makikita na natin kung ano talaga ang kanilang nais gawin"

"Hmmm I think it has something to do with that comb..."

Sabi ko kahit hindi naman talaga ako pala-english e for the gamit na gamit lahat ng kasado kong english words! Napangiti siyang tumingin sa akin, iyong ngiti na parang kakaiba, parang seryosong hindi!

"Hindi talaga ako nagkamali sa iyo, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo para ikay aking gantimpalaan ng salapi, panigurado ay kakailanganin mo rin iyon upang makabili ng para sa iyong sarili"

"Ay wow! Sige ba! I will do my job well! Ang saya naman!"

Sabi ko na halos hindi ko napigilan ang nararamdaman kong saya hanggang sa inilabas na ang bulaklakin na suklay kaya naman napunta na roon ang attention nitong si Donya at napansin ko rin pati yung mga lalaki at babaeng nakikipagsulyapan doon sa bruhang Soledad e nakatingin na rin sa suklay.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon