CHAPTER 15

172 10 0
                                    




CHAPTER 15

PEARL POV

Alam kong namumula ng bongga ngayon ang mukha ko dahil sa bruhang katabi ko! Ewan ko kung ano ba ang trip niya para halikan niya ako!

Patay malisya lang ang babaeng ito at nakasandal lang habang nakatingin sa kabilang side.

"Nakakailan na sa akin ang babaeng ito! Akala mo kung sino na basta na lang akong hahalikan!"

Pagngingit-ngit kong bulong sa sarili ko habang napalumbaba na lang ako at nanahimik na lang muna at hindi na rin ako kumibo hanggang sa mapansin kong magdidilim na.

"Nais mo bang kumain?"

Tanong ni donya pero ewan ko ba parang ayokong kumibo dahil napipikon pa rin ako sa kaniya kaya lang nagugutom at nag-aalburoto na ang tiyan ko ng big time!

"Bakit? May ipapakain ka ba sa akin?"

"Maari tayong huminto muna at maghanap ng matutuluyan"

"Bahala ka, susunod na lang ako!'

Sabi ko sabay tayo ko at ako na mismo ang bumaba ng karawahe, promise! Nakakairita siya na kung pwede lang magbiyahe mag-isa ay ginawa ko na e!

Nang makababa kami at kasama namin ang ilang katulong ni donya ay naglakad-lakad kami papasok ng parang maliit na barangay yata ito.

"Nasaan na ba tayo?"

"Kalmahin mo ang iyong sarili at hinaan lamang ang boses mo, tayo'y bago lamang sa lugar kaya umayos ka"

"Wow! Nagtanong lang ako kaya!"

"Then shut your mouth and just walk firmly!"

Sagot naman nitong si donya na akala mo talaga kung sino e! Palagi na lang akong napapansin! Napa-cross arms na lang akong nauang maglakad sa kanila at walang lingon-lingon hanggang makita ko ang parang stall ng pagkain na kung sa modern day e mga kiosk ng kwek-kwek or kakanin.

Halos mapatakbo ako palapit at alam ko naman na bonggang ang guhit ng ngiti sa mukha ko ngayon.

"Ano po ang pagkain na 'yan?"

"Ito ay kakaning tagalog iha"

"Kakaning tagalog? Magkano naman po iyan?"

"Dalawang tanso lamang"

Sagot lang ni manang sabay lingon ko kay donya na nakatayo naman sa gilid kausap ang mga driver namin sabay tinapunan ako ng tingin kaya naman agad akong napaiwas ng mukha.

"Shit! Paano naman kaya ako makakakuha ng pera niyan!? Ni bato wala nga ako tanso pa kaya!"

Pagrereklamo ko sa sarili ko habang para na akong batang nagsisisipa ng buhangin sa kinatatayuan.

"What's with the frown?"

"Wala"

"Nagugutom ka na?"

Tanong niya na nagpatigil naman sa akin sabay tingin ko sa kaniya at nginunguso ko ang labi ko para ituro ang pagkain.

"What are you doing?"

Tanong niya pero nginuso ko pa rin ang pagkain sa stall ni manang kaya lang hindi yata gumagana ang kokote nitong si donya kaya hindi ako ma-gets! Ayoko kasing sabihin ng actual, nahihiya akong manghingi ng pera!

"Simple lamang ang tanong ko ngunit hirap ka pang sagutin—"

"—oo na! Gutom na ako! Saan ba kasi tayo kakain!?"

Iritadong sabi ko dahil napipikon ako sa pagiging slow ng kokote niya pero sa ibang bagay e ang lakas ng pang-amoy! Dahil sa sinabi ko ay halos mawindang ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay sabay hinatak ako kung saan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon