CHAPTER 14

85 6 0
                                    


PEARL POV

Mabilis na akong bumalik sa room ko at halos kumabog ang dib-dib ko sa totoo lang!

"Tang ina! Bakit ba siya biglang na-curious sa akin? Nakakapagtaka lang!"

Sabi ko habang nakasandal dito sa pinto ko sabay baling ko sa bag ko na nakatago sa cabinet.

I check my stuff sa bag ko agad at ang gintong libro, sa totoo lang ay hirap talaga akong magsabi agad ng totoo kay donya dahil kahit naman ako e hindi pa rin makapaniwala na nakarating ako rito sa past!

"Paano ko ba itatago ang libro na to? Dapat hindi makita ni donya to, haist! Ang tindi pala ng trust issue ng babaeng yon!"

Sabi ko sabay hanap ko ng secret compartment ng cabinet ko at mula roon e may naisip na akong paraan mung saan hindi agad makikita ang libro at bag ko nang kahit na sino.

After ko sa operation tago gamit ko e nag-asikaso na akong mag-ayos ng sarili ko since aalis nga kami.

Sabi niya mas magandang library ang pupuntahan namin...sana mahanap ko na ang sagot na hinahanap ko tungkol sa librong ginto! Nang matapos na ako sa pag-aayos ko ay lumabas na rin ako agad at nagtuloy na ako sa labas.

"Hala! Mas malaking karawahe yata ito ah...at wait...bakit parang may mga gamit?"

Tanong ko sa sarili ko nang biglang lumitaw nanamna itong si donya sa likod ko! Ewan ko ba sa babaeng to e! Parang akala mo may kung sa anong maligno kung gumalaw, ang tahimik ng kilos!

"We will go a little farther"

"Ha? Ibigsabihin mas malayo?"

"Ang sentral na pasilidad aklatan ay hindi rito sa San Delfin, sa timog parte ng Manilaya"

"Timog? Meaning malayo talaga ganun?"

"I told you that we will get out of this city"

"Kaya ba may mga dala kang gamit?"

"Yes"

"Hala! Paano naman ako? Wala akong damit—"

Naputol ang sinasabi ko nang biglang naglabas ang mga katulong ng mga parang sako na bag at kahon na parang pang-travel yata, isa-isa nilang nilagay sa karawahe hanggang sa mapansin ko ang nakalitaw na parang leather sa box at sure akong pamilyar yon sa akin!

Lalapitan ko na sana pero nagsalita agad si donya sa likuran ko.

"Tila nabigla ka yata? Sadyang pinakuha ko na kasi ang iyong mga gamit sa iyong silid"

"Ha? As in lahat ng gamit ko!?"

Paghi-hysterical ko sabay lapit ko na nang tuluyan sa mga gamit ko bubuksan ko na sana ang box kung nasaan ang sling ng bag ko nang maalala ko na hindi nga pala pwedeng makita ni Donya ang bag ko kasing paniguradong makikita niya ang librong ginto.

Umatras na lang ako at pinilit ko na lang na kumalma sabay lapit ulit kay donya.

"Ahm...sige na, o-okay na yan, ayusin niyo lang ang gamit ko ah"

Sabi ko na lang kahit talaga namang kinakabahan ako...haist! Paano kung malaman niya ang tungkol sa librong ginto...diyos ko! Paano ko naman kaya iyon ipaliliwanag!

Habang nagtatalo ako sa isip ko ay hindi ko alam na kanina pa pala nakalahad ang kamay ni donya sa akin para iakyat ako sa karawahe.

"Tila may bumabagabag yata sa iyo?"

"Ha? Wala ah! Okay lang ako! Ahmm sige na aakyat na ako"

Sabi ko at aabutin ko na sana ang kamay niya nang iiwas niya iyon sa akin.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon