CHAPTER 13

90 5 0
                                    


PEARL POV

Alam ko sa mga ganitong moment na wala akong masyadong magawa e nabo-boring na ako pero parang walang epekto sa akin dahil sa papuri nitong si Donya!

"Pak! Gorgeous daw ako! Ang sabe!!! Hahahhaha!!!"

Sambit ko sabay landing ng likod ko sa kama dahil ewan ko ba pero ang saya-saya ko sa papuri niya, oo nga pala, pagdating ko rito sa kwarto ko e wala na si manang Mila.

Napapaisip ako tuloy sa nalaman ko, lesbian siya pero sa iisang tao lang, nakakaloka! Akalain mong may lesbian na rin pala talaga sa panahon na to or...well baka talagang na-fall lang doon sa girl, pwede naman kasi yon!

Shit! Naku-curious tuloy ako kung sino ang babaeng yon, kababata niya at na-in love siya, hmmm...pero may asawa na...ang sakit naman non! Nakapag-confess man lang ba siya? Malamang hindi!

Habang napapaisip ako ay biglang may kumatok sa pinto ko kaya naman pinagbuksan ko naman agad.

Tumambad sa akin ni manang Mila ulit.

"Ano po yun manang?"

"Iha, ikay pinatatawag ng donya sa kaniyang silid"

"Ah, sige po pupunta na ako"

Sagot ko naman nang nakangiti at palakad na ako nang magsalita si manang Mila sa likod ko.

"Iha, akoy nagpapasalamat pala sa iyong pagpapatulog sa akin sa iyong silid ngunit huwag mo na ulit gagawin iyon"

"Po? Bakit naman?"

"Basta iha, akoy iyong pakinggan na lamang maari ba?"

"S-Sige po...kung yan ang gusto ninyo"

Sabi ko na lang kahit nalilito ako kung bakit at sabay lakad ko na lang papunta sa kwarto nitong si donya.

Kumatok ako pero ang tahimik sa loob at wala akong naririnig, sinubukan kong kumatok ulit pero wala pa rin sumagot kaya naman nag-try na akong pihitin ang doorknob.

"Hala! Bukas pala!—"

Naputol ang sinasabi ko nang lumitaw tong si donya sa harap ko kaya naman na-out balance ako considering pa tong suot kong saya!

Akala ko babagsak na ako sa lapag nang mabilis niya akong nasalo and seriously, for the staring contest kami ngayon.

"And what do you think you're doing!?"

"Ha? A...Ano kasi..."

Nauutal kong sabi sabay pag-alalaya niyang makatayo ako ng maayos ulit.

"Dont you know that entering someone's door without permission can put you in prison"

"Hala! Sobra naman! Hindi ka kasi sumasagot! Grabe ka naman!"

"I was about to open the door when you came in"

"Oo na! Sorry na nga! E pinatatawag mo raw kasi ako e! Bakit ba?"

Pagbabago ko ng topic kesa buong araw niya akong pagalitan!

"Well, we need to talk"

Sabi niya lang nang biglang maging seryoso ang mukha niya sabay pumasok sa loob ulit ng kwarto niya at umupo sa parang couch niya pero de-kahoy.

In cross legs ay seryoso niya akong tinitigan kaya medyo nakakailang.

"May kasalanan ba ako ha? Bakit naman ganyan ka makatingin?"

"Sabihin mo, ano talaga ang sadya mo sa pasilidad ng aklatan?"

Biglang tanong niya na nagpahinto ng bahagya sa akin.

My Love, Donya TrinidadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon