The Maiden in Maracañang

6 4 0
                                    

Unang Kabanata: Hijo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unang Kabanata: Hijo

              
                  
"Isabel, ano ba gumising ka na, parating na ang mga Martini!" ninanamnam ko pa ang laway sa aking unan ng isigaw iyon ni inay.

Umaga palang, nangungunot na ang noo ko dahil sa lakas ng boses ni inay na para bang napakalayo niya sa akin, eh nasa tapat ko lang naman siya. Pagmulat ko pa'y nanlilisik niyang mga mata ang una kong nakita.

Napasinghap ako sa gulat at medjo natagalan bago makabawi.

"Nay naman?!" giit ko dahil talagang nakakatakot ang mukha niya. Para siyang si Valak pero nakapang-maid na damit.

"Araaayyy! Nanay naman eh!" reklamo ko ulit nang hilahin ni inay ang aking patilya para lang mapabangon at mapa-alis sa higaan.

Tumingkayad pa ako habang namimilipit sa sakit. Sinamaan ko agad ng tingin si inay ng bitawan niya na ako pero hindj rin ako nag tagal dahil wala akong laban sa istrikto at nakakatakot nigang mukha...

"Hehe! Sarap no'n 'nay ah? Mmm! Lasang masakit!" bukambibig ko habang kinikiskis ang gilid ng aking mukha. Sumimangot ako ng ginawaran lang ako ni inay ng blangkong tingin.

Kakamot-kamot pa ako sa ulong nagligpit na lamang ng higaan. Ramdam ko pa ang tingin ni inay sa labas ng pintuan, talagang binabantayan ang kilos ko dahil talagang makupad ako sa umaga.

"Patiris nga rin ng patilya niyo inay?" hirit ko pa ng ako'y papalabas na pero agad din akong nakatanggap ng palo sa puwit.

"Napaka sutil mo talagang bata ka! Akala mo'y natutuwa ako?"

"Sino bang may sabing natutuwa rin ako 'nay? Wahahaha!" hirit ko ulit sabay takbo papunta sa kusina ng mga kasambahay.

"Isabel-!" talagang dumagungdong ang pangalan ko sa mahabang pasilyo na iyon papuntang kusina. Kaya agad akong kumilos at dali-daling uminom ng tubig galing sa ref saka nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.

"Maligo kana at mag-ayos, sapagkat ikaw ang magsisilbi sa mga hijo ng mga Martini!"

"Opo, maganda kong inay!" sigaw ko pabalik. Pero agad ding natigilan at saglit na napa-isip.

Iho? May mga pating ang mga Martini? Ang sosyal naman ng mga pating na iyon at kailangan ko pang pagsilbihan?

Pagatanong ko sa sarili na pilit ko ring hindi bigyan ng pansin para simulan na ang pagligo. Iyon na ata ang araw-araw kong ginagawa. Babangon ng maaga upang pagsilbihan ang dakilang pamilyang Martini.

Ang nanay Sigrid ko'y matagal nang mayor doma ng palasyo Martini. Sa dami rami ng naninilbihan dito'y, kami lang ang mas nakakalapit sa mga Martini lalo na kay Donya Solaris sapagkat si inay ang kaniyang pinagkakatiwalaan sa lahat.

Ako naman ay isang paslit na halos nakagisnan na ang buhay sa lansangan. Maghapong manlilimos sa kabila ng peligrong nag-aabang sa daan para lang makakain kahit isang beses lang sa isang araw. Minsa'y nabubusog na ako sa tubig at naghahanap na lamang ng makakain sa mga basurahan.

Whispers of the SoulWhere stories live. Discover now