Kabanata 35

70 4 2
                                    


Stella's point of view,

"Ma'am stella!" Napalingon ako sa likod ng marinig kong tinatawag ako ni rose. "Ma'am may libreng check up daw po sa center para sa mga buntis, baka po gusto nyo po mag pa check up ."

Napahimas ako sa tyan ko, last night ay nakakaramdam ako ng pangingirot and my last check up was last last week.

Sa tingin ko'y kelangan ko na rin ma check up since matagal nadin ang huli at kabuwanan ko na, dapat nga ay nag lalagi ako sa hospital pero heto ako at nagagawa pang mag dilig ng mga halaman namin rito sa mansyon, bahagya ako humawak sa likod ko at nag unat. My baby's getting bigger..

"Hmm.. sige rose kailan ba yon?"

"Mamaya pa pong alas nueve ng tanghali."

I looked at my wrist watch at nakitang alas otso na.

"Tell mang mario to ready the car, mag bibihis lang ako."

"Sige po ma'am."

I just wore my maxi maternity dress and my flats. Sinapo ko ang tyan ko para yumuko at kuhanin ang bag kong nakapatong sa kama. Napapikit ako ng makaramdam nanaman ng pangingirot.

Baby...

Wag mo pahirapan si mama please...

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng silid.

Siguro ay si rose muna ang pag babantayin ko ng shop, mag papahinga muna ako dahil napapagod nadin akong mag palakad lakad.

Pag dating ko sa labas ng mansyon at kaagad akong sumakay sa raptor na nakaparada. Sa backseat na ako umupo since kasama naman namin si rose ngayon para alalayan ako.

"Ma'am stella okay lang po ba kayo?"
Hindi ko nagawang sagutin pa si rose dahil talagang kumikirot ang tiyan ko.
Pakiramdam ko ay humihilab yon.
Tinanguan ko na lamang ito bago pumikit at sumandal.

Mahigit trenta minutos ang itinakbo ng sasakyan papunta sa center dito sa amin. Ipinarada ni mang mario ang sasakyan sa ilalim ng puno ng narra kung saan may mga tricycle at motor na nakapark din.

Tumingin ako sa sa labas at nakitang iilan pa lamang ang nakapila roon siguro ay wala pang lima.

"Rose are you sure na merong libreng check upan rito?"

"Opo ma'am.. siguro po ay tapos na yung iba. Tara na po sa labas." Agad itong lumabas ng sasakyan at pinag buksan ako ng pinto bago inalalayan palabas.

My legs are trembling.

Pakiramdam ko ay mas komportable ako kapag nakaupo.

Inalalayan ako nito hanggang sa loob ng center, some staff handed us a monoblock chair para makaupo ako.
Tatlo kaming nakapila at naghihintay na tawagin ng doctor sa loob.

Halos trenta minuto pa ang nakalipas bago tawagin ang pangalan ko. Napakapit ako ng mahigpit sa sandalan ng monoblock dahil hirap akong tumayo, kaagad naman akong inalalayan ni rose at inakay papasok sa loob.

She opened the door and let me in.

"Ma'am dito na lang po ako sa labas tawagin nyo na po ako kapag tapos na." Tinanguan ko ito at pilit nginitian, pumasok na ako sa loob.

"Stella?" Tinabol ng kaba ang dibdib ko ng bumungad saakin nag lalaking huli kong nakita 4 years ago. Mariin itong nakatitig saakin bago nag baba sa tingin sa tyan ko.

"Rafael.." ilang beses itong lumunok, at pilit akong nginitian.

"L-Long time no see... Come here please and have a seat. "

Ng makaupo ay kaagad nitong chineck ang bp ko.

"Kabuwanan mo na... Kailangan ay sa ospital kana muna hanggang makapanganak ka." Nginitian ko ito at hinaplos ang tyan ko.

Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon