Kabanata 02

183 5 0
                                    

Stella's Point of view,

"Bilisan mo!"

Nandito ako ngayon sa condo ko kasama ang secretary ko, pinag eempake ko si marco ng mga gamit na dadalhin ko papuntang cebu, Mananatili ako roon ng isang linggo at aalis din agad pag katapos ng birthday ni lola.
"Alis na! Pack you things sasama ka sakin sa cebu." Utos ko rito.

"I-I can't come with---

"Sasama ka o tatanggalan kita ng trabaho??" Hamon ko rito habang nakapamewang, nataranta naman ang lalaki at dali daling umalis ng condo. Apat na luggage lang ang dadalhin ko dahil isang linggo lang naman akong mananatili don, at mga importanteng bagay lang ang laman ng mga maletang dadalhin ko.

Ala Una ng hapon ng makarating kami sa NAIA, sa private plane kami sasakay na pagmamay ari ng pamilya namin dahil hindi ako kumportable sa public plane.

Saktong 2:50 ng lumapag ang sinasakyan naming eroplano sa cebu international Airport, Kahit antok na antok ay nagawa ko pading maglakad papuntang exit dahil doon nag iintay ang suv na susundo samin papuntang austrias hanggang sa hacienda ni lola.

Buong byahe ay nakatanaw lang ako sa mga bundok na nadadaanan namin sa labas ng bintana, mayayabong ang mga puno sa bundok at sariwang sariwa ang hangin, hindi ko maipagkakaila na ito ang lugar na kailangan ng mga taong kelangan ng pahinga at depress pero sad to say hindi ko kailangan ng pahinga ang kailangan ko ay ang posisyon bilang CEO sa kumpanya namin.

Mahigit trenta minutos ang nakalipas ng matanaw ko na ang arkong bato na may nakaukit na Hacienda del cerezo ilang minuto pa ang lumipas ng makarating kami sa mismong mansyon. Kita ko ang pag uunat ni marco bago ako Inalalayan pababa ng van.

Pagkababa ay agad kong inilibot ang paningin sa buong lugar... sa pangalawang pagkakataon ay namangha nanaman ako sa laki at ganda ng mansyon, mas lumaki ito kaysa nung huli kong punta dahil pina rennovate ito ni lola, malawak ang lupa na natataniman ng bermuda at iba't ibang klase ng halaman, may fountain sa gitna at may malalaki at mayayabong na punong nakatanim sa palibot.

"Apo ko!" Napabaling ako sa gilid ng marinig ang boses ni lola at nakitang tumatakbo ito papunta sa gawi ko, kita ko naman ang dalawang dalagita na nakasunod sakanya. Napangiwi ako ng maramdaman ang higpit ng yakap nito sakin.

"I miss you apo.."

"I miss you too lola.." Pinupog nya ako ng halik sa mukha, i can see how happy she is dahil kitang kita ko ang sigla sa muka nya.

"Emilia, rose pakidala ng mga gamit ng apo ko sa loob." Utos nito sa dalawang dalagitang kasama nya bago ako muling binalingan at niyakap sa pangalawang pagkakataon.

"Hindi ako makapaniwalang pumayag kang pumunta rito stella...nagbakasakali lang naman ako nung tumawag ako sayo dahil alam kong ayaw mo rito." Malungkot nitong paliwanag.
Nginitian ko lang ito bago pinatakan ng halik sa sintido at iginiya papasok sa loob.

Alas sais ng hapon ng magising ako dahil nakaramdam nako ng lamig, hindi ko namalayang nakatulog ako habang nag bababad sa bathtub, tumayo na ako at nag suot ng robe bago lumabas ng banyo.

Umupo ako sa dulo ng kama habang nakatanaw sa glass wall ng kwarto ko, kitang kita ang papalubog na araw sa labas at tanaw na tanaw rito ang mga bundok sa malayo..nakakarelax pero boring para sakin..mas gusto kong city lights ang nakikita ko.

I put some lotion bago ako nagsuot ng cream beige dress, inilugay ko ang mahaba kong buhok bago lumabas ng kwarto.
Sakto namang nakasalubong ko ang isa sa nagpasok ng gamit ko kanina.

"Emilia right?"

Napatigil naman ito bago bahagyang tumango, she's beautiful. Morena, matangkad, slender..she's perfect for modeling.

Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon