Stella's point of view,Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Sebastian has been distant with me again...
5 days had passed at hindi nya padin ako kinakausap...palagi lamang akong nananatili rito sa loob ng kwarto nya at pinapanood sya. He's not allowing me to hug him.. kiss him... Para lamang akong hangin rito kahit halos mag hapon at mag damag nya akong kasama sa silid.
Hindi nya ako pinapansin..
Nanikip ang dibdib ko at nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pag pipigil ng luhang palaging gustong pumatak.
He's laying on the bed, nakatagilid ito patalikod sakin. I missed him..
He's been avoiding me simula nung araw na akala ko ayos na lahat.
Hindi ko maintindihan.
Hindi ko na kaya.
Hindi na ako nakatiis at sumampa ako sa kamang hinihigaan nya, i lay next to him and slowly snake my arms behind him.
Pumikit ako at ninamnam ang ginhawang naramdaman ko when i hugged him.
Pero lalo lang nanakit ang dibdib ko ng tumayo ito at naglakad papunta sa bathroom. Napahawak ako sa sintido ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. Ni hindi ko sya matanong kung anong problema.. That i thought we're okay?
Kaagad naman akong sumunod sa banyo at nakitang nakaharap ito sa salamin.
"Baby..."
Muli ko itong niyakap kahit pa nanghihina na ako. Nanghihina nako dahil hindi ko na alam kung anong iisipin kung bakit sya nag kakaganito.
Hinawakan ko ito sa magkabilang balikat at pinaharap saakin.
I held his hand and wrote what i wanted to ask on his palm
U mad?
Kaagad naman itong umiling at tumungo. Muli akong gumuhit sa palad nito at nagtanong.
Then why?
Nangunit ang noo ko ng mag angat ito ng tingin at sunod sunod na umagos ang masaganang luha nito sa pisngi.
"Stella... Gusto ko ng mamatay...." Mahinang bigkas nito na halos nag paguho sa mundo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at sunod sunod na pumatak ang masagannag luha sa pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko at para akong tinakasan ng kaluluwa sa narinig sa kanya.
"No! No nono.. " Sunod sunod akong umiling at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"No sebastian! You can't die!" Para akong mababaliw sa kakahiyaw sa kanya at mas lalo akong nababaliw kakaisip na hindi nya yon maririnig at maiintindihan. "You can't die baby! You can't die! Your son need you!! I need you..." My eyes won't stop crying at pakiramdam koy upos na upos na ako..
I don't know what to do anymore...
Hindi ko na kaya...
"Kung napapagod ka! Pagod nadin ako... Kaya please... Im begging.." lumuhod ako at yumakap sa binti nya.. kinakapos na ako ng hininga kakaiyak at pilit na nag mamakaawang lumaban sya.
"Im so sorry .... Please.... Live ... You can't die.." i held his hand at paulit ulit yon hinalikan habang humihikbi.
"I love you ... Please... Lumaban ka... "
Hindi kita kayang mawala sebastian... You are my life..He cupped my face using his palm and wiped my tears, pero lalo lamang lumakas ang mga iyak ko at pakiramdam koy kinakapos na ako ng hininga.
Lumuhod ito at pinag pantay ang muka naming dalawa. Lalo akong umiyak ng makita kong puno ng luha ang mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )
De TodoStarted: July 11, 2022 Finished: March 24, 2024 Probinsyano Series #1