Stella's point of view,Halos araw araw ay ganon ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni sebastian. I keep on pestering him samantalang ito ay walang ibang ginawa kung hindi ang mag pa hard to get.
Katulad na lamang ngayon, nakabuntot ako sa kanya habang namimili ng groceries. Sa loob ng tatlong linggo kong pagiging aso sa kanya ay ni hindi man lamang ito nag aksaya ng oras na imikan ako.
He kept on being silent but obviously irritated with my presence.
Kung nakakapanakal lang ang titig ay siguradong matagal na kong patay sa mga titig na ibinibigay nya saakin.
Isinulong ko ang sariling cart na tulak tulak ko at humabol sa kanya papunta sa meat section.
Pasimple akong tumitig sa kanya sa malayo kahit alam ko namang ramdam nya ang presensya ko.
I probably looked like a fucking obsessed stalker, pero wala akong pakialam.
Pinag mamasdan ko ito kung panong natatarantang pumili ng karne, kaagad akong lumapit at dinampot ang karne na nasa pinakailalim ng freezer na alam kong fresh at kusang inilagay iyon sa basket nya. Sanay na akong mamili rito at alam ko na ang mga palakad kung pano makapili ng siguradong fresh meat,kadalasan kase ay ipinaiilalim ng mga sales staff and mga bagong karne para mabili yung luma. Napaatras ako dahil kaagad nya akong binigyan ng matalim na titig.
"Oh easy.. tinulungan na nga eh--
"Did i asked for your help?? " Woah.. hindi na siguro nakatiis sa inis! Init agad ng ulo. Ngayon ko lang ulit narinig boses nya sa loob ng three weeks. Kung hindi ko lang sya kilala at hindi nya ako naanakan 6 years ago ay iisipin kong bakla ito. Palay na nga ang lumalapit hindi pa tinutuka tsk.
"Hindi naman hinihingi ang tulong kusa yung ibini--
Nabitin sa ere ang mga pinag sasasabi ko ng talikuran na ako nito at diretsong naglakad papunta sa counter."Aarov hintay!" Kaagad akong sumunod sakanya at pumila sa likuran nya.
Sinadya kong lumapit sa liguran nya to smella his scent at napangiti ako ng maamoy ang sebastian ko. Atleast his taste in perfume didn't change at all.
"Can you please stay away from me??" Iritadong pakiusap nito na nag pabalik saakin sa reyalidad.
Bakit ba ang sungit nya?
Kung maaalala nya lang kung gaano sya kabaliw saakin nuon baka mahiya sya ngayon sa mga pag papakipot na ginagawa nya saakin.
But then reality strikes.
Hindi nya na nga pala yon maaalala...
Because it has been erased from his memories four years ago...
Nag pakawala ako ng buntong hininga at sumunod sakanya papunta sa parking lot.
Napaatras ako ng humarap ito at sinalubong ako ng matatalim na titig.
"What you really want?!" Napakurap ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nya na halos nag echo na sa buong parking.
"You kept on following me! You even stole a kiss from me! Are you that desperate?!" Singhal nito saakin.
Pa virgin talaga.
"Eh sa gusto kita eh pake mo ba."
Napatalon pa ito sa gulat dahil sa sinabi ko. Napairap ako sa inasta nya, Hindi mo bagay. Parang bakla lang tsk."Virgin kaba??"
"W-what kind of question is that?! You're really inappropriate!" Kitang kita ko ang pamumula ng mukha nito sa hiya.
Kung alam nya lang kung gaano sya katibay sa anuhan ay baka mahiya din sya.
"Bakla ka ba?" Masinsinang tanong ko sa kanya, nakakahalata na kase ako.
BINABASA MO ANG
Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )
AcakStarted: July 11, 2022 Finished: March 24, 2024 Probinsyano Series #1