Kabanata 03

145 4 0
                                    


Stella's point of view,

7:30 am ng bumaba ako sa hagdan at pumunta sa dinning room para mag breakfast..i'm wearing my corporate attire and my heels.

"Apo..where are you going?? Don't tell me you'll work here?" Bungad ni lola sakin, sumalubong ito palapit at humalik sa pisngi ko bago ako iginiya paupo sa tabi nya.

"Of course not! It's just...ahm..business matter with my secretary.."

Nakita ko naman sa tapat si marco na nakatingin sakin at nakasuot ng pambahay. Pinandilatan ko ito ng mata ng makitang nakasuot lang ito ng loose shirt and short.

Napaikot ang mata ko sa inis ng yumuko lang ito at nag patuloy sa paglamon.

Pumikit ako at huminga ng malalim para mabawasan ang inis sa dibdib ko pero lalo lang yon nadagdagan ng matapunan ng tubig ang suot kong damit dahil sa katangahang pag sasalin ng maid sa gilid.

Shit!

Napatayo ako sa inis at pumikit ng mariin.

Tangina..

Kalma...i can't be mad at her. Alam kong hindi nya sinasadya.

"Emilia! What did you do?! A-Apo are you okay??" Agad akong dinaluhan ni lola at pinunasan ng table napkin ang damit ko..

"It's okay la..continue eating your food please."

Arghh! Second day palang pero ganito na?! Kinuha ko na ang bag ko at muling umakyat sa kwarto para mag palit ng damit, I decided to wear a white tube top and black trouser bago pinatungan ng black coat, muli akong bumaba ng hagdan at bumalik sa hapag para tawagin si marco.

"Marco..I'll give you 5 minutes to prepare kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Utos ko rito bago nauna ng lumabas ng mansyon, pumunta ako sa likod ng mansyon at binisita ang mga sasakyang ginagamit nuon ni papa.

"Gumagana pa ang mga iyan senyorita..lagi yang ipinaaayos ng iyong lolo." Bumaling ako sa gilid ng marinig na mag salita ang pamilyar na boses.

Nanlaki ang mata ko ng mamukaan ko ito.

"Mang Edgar!" Masigla ko itong binati at nilapitan para yakapin.
"Kamusta na po?" Si mang edgar ang superhero ko dati tuwing napapagalitan ako ni lolo Mauricio, simula nung mag asawa muli si papa at naiwan nako ritong mag isa sa pangangalaga ni lolo't lola ay sya ang laging nagtatanggol at tumatakip sa mga kasalanan at kamalditahan ko kapag nakakagawa ako ng mali.

I really missed him.

Si lolo naman ay hindi ko namimiss dahil lagi ko itong nakakasama sa manila, madalas din sya don dahil sa pag mamanage ng mga casinong pag mamay ari nya.

Nagkakamustahan pa kami ni Mang edgar ng biglang dumating si marco na hapong hapo habang tarantang nag bubutones ng polo.

Inirapan ko lang ito bago muling humarap kay mang edgar at utusan itong ipag drive kami pagkatapos ay nauna na akong sumakay sa backseat ng pulang kotse.

Sumakay naman agad ang mga ito sa una.

"Let me check the contract." Iniabot nito sakin ang white folder na hawak nya, binuklat ko yon at nangunot ang noo ko sa nakita.

"Didn't i tell you that this supposed to be printed?? Bakit hand written to?!"

"Wala tayong printer Ms. Stella." Sagot sakin ni marco kaya napasandal ako sa headrest ng kotse at napahilot sa sintido.

"Ah..Senyorita.."

"What?!" Sigaw ko pero napamulagat ako ng marealize na si mang edgar ang tumawag sakin at ang nasigawan ko. "A-I-I'm..I'm sorry mang edgar..it's just that..argh.."

Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon