Kabanata 14

95 3 0
                                    

Stella's point of view,

Nakarating ako sa mansyon ng hindi man lang sinusuyo ni sebastian...sa tingin ko ay wala talaga akong halaga para sa kanya..he didn't even hold my hands para pigilan akong umalis..he didn't even bother to explain himself dahil kapag sinabi nyang mahal na mahal nya ako at hindi nya ako ginamit ay tatakbo ako pabalik sa kanya at wala akong ibang pakikinggan kundi sya....but he didn't...

Love sucks.

Ni hindi ko nga pala matatawag na love yon dahil ako lang naman ang totoo saming dalawa.

He just pretended that he love me too.

Fuck him.

Fuck you sebastian.

Pag pasok ko sa mansyon ay saka ko naramdaman ang sobrang pagod, pati ang pag sakit ng ulo ko.

Aakyat na sana ako ng hagdan ng marinig ko nanamang nagtatalo sina lolo and lola...napairap nalang ako sa hangin, hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy nalang sa pag akyat.

"Hindi ko maaaring ibalik rito si Lianna soledad!"

"Ano kaba mauricio! Narito ang mga ala ala ni Lianna! Wag mong ipag kait yun sa anak natin!!"

Yon na lamang ang huli kong narinig bago ko sinara ang pinto ng kwarto ko. Their words are irritating...kumukulo ang dugo ko tuwing maririnig ko ang pangalan ng tiyahin ko...alam kong hindi dapat ako sa kanya magalit pero sya ang dahilan kung bat ginawa akong pansamantalang tulay ni sebastian..

Nagising ako ng alas sais ng gabi, maghapon akong nagkulong sa kwarto ko at natulog, hindi ko na inabala ang sarili kong umiyak dahil alam kong wala naman akong mapapala. Pag baba ko ng hagdan ay kita kong busy ang lahat ng maids, nangunot ang noo ko ng makitang pinapalitan nila ang mga kurtina at ang mga cover ng sofa, they're busy changing the environment of the whole mansyon at nakakapag taka yon dahil kapapalit lang noon nung monday.

"Rose pakilinis yung kwarto nya sa itaas, siguraduhin mong maaliwalas at maaalis ang mga alikabok." Narinig kong utos ni lola kay rose, agad naman tumalima si rose at umakyat sa taas.

Lumapit naman ako kay lola at humalik sa pisngi nya.

"Gising kana pala apo ko. How's your sleep?"

"Hmm...good..anong meron La? It's 6 in the evening bakit naglilinis sila?" Taka kong tanong sakanya.

"Darating na bukas rito ang tita Lianna mo...to bring some of her memories back..para nadin magpagaling ng husto."

Great.

Fucking great.

Natawa ako ng pagak sa isipan ko ng marinig ang sinabi ni lola. I thought next week pa sya ihahatid rito pero hindi man lang ako nainform na bukas na pala ang dating ni tita. Sana pala ay nakapag impake na ako kanina para nakaalis nadin ako kaagad.

Tangina..

Dumaan ang magdamag na hindi ko man lang nagawang mamaalam kay lola na gusto ko ng bumalik sa manila, nahihiya naman akong bigla na lang ako aalis ng walang paalam at pahintulot nya.

Kinabukasan ay sinadya kong hindi kaagad bumangon ng maaga. Rinig ko ang mga ingay sa baba at siguradong iwinewelcome na nila si tita na kakarating lang. I'm starving pero tinitiis ko yon wag lang bumaba, ilang beses nadin akong kinatok ng mga kasambahay para bumaba at makisalo pero tumatanggi ako at nagdadahilan na lamang.

Nakatitig lamang ako sa mga bagahe kong naka impake na at nakahanda na kagabi pa. Nag desisyon akong umalis na kaagad rito sa mas madaling panahon, wala naman na akong gagawin rito at isa pa ay may kumpanyang naghihintay sakin sa manila...i'll make sure na sakin padin mapupunta ang kumpanya namin at ako ang mag mamana ng CEO position.

Probinsyano Series #1 ( The Signed Contract )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon