Chapter One

84.8K 713 5
                                    

Natutulog ako sa kwarto ko nang may marinig akong mga boses na nag-uusap sa labas, medyo malakas kaya rinig ko hanggang sa loob ng kwarto, akala ko ay may nagtatalo kaya dali-dali kong inayos iyong sarili ko saka ako lumabas, nakita ko iyong Tita Helen ko na may kausap na lalaki, mukhang mayaman 'yung lalaki dahil sa suot nitong corporate suit, at mukhang kagalang-galang kasi 'yung itsura niya.

Lumapit ako sa kanila, narinig ko kasing binanggit nung lalaki iyong pangalan ng mama ko.

"Nasan si Aura?" tanong nung lalaki, hinahanap niya si mama, hindi ata niya alam na matagal nang patay si mama.

"Bakit mo ho hinahanap si mama?" tanong ko. Sumingit ako sa usapan nila, basta naririnig kong pinag-uusapan ang mama ko lagi akong sumisingit sa usapan.

"Mama mo si Aura? Ikaw ang anak niya?"

"Ako nga ho."

Lumapit siya sakin na parang maiiyak, "Kamukhang-kamukha mo nga siya." Hinawakan niya ko sa pisngi, nalilitong napatingin naman ako sa Tita Helen ko, na parang naguguluhan din. "Anak ko." Sabi pa nung lalaki na lalo kong ikinalito.

"Ano hong sinasabi nyo. Hindi nyo ako anak. Kilala ko ho ang tatay ko, kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal. Baka nagkakamali ho kayo." Nag-drugs ata 'to e.

"Oo nga. Anong pinag-sasabi mo. Hinahanap mo iyong kapatid ko, tapos saasbihin mong anak mo itong pamangkin ko." Nakakunot noong sabi ni Tita Helen.

"Si Anton ba ang kinikilala mong ama?" tanong pa nung lalaki

Nalilito man pero tumango ako. "Niloko nila ko." Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata nung lalaki, "Ako ang tunay mong ama, inilayo ka sa akin ni Aura, tinanong ko siya noon kung ako ba ang ama ng pinagbubuntis nya, pero ang sabi niya ay si Anton daw, naniwala ako dahil iyon din ang sabi ni Anton, ngunit niloko lang pala nila ako, para mailayo ka nila saakin."

Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya, gusto kong tanungin ang Tita Helen ko kung totoo ba ang sinasabi niya pero wala nga pa lang alam ang tita ko tungkol sa mga naging affair ni mama noon, ni wala rin siyang alam tungkol sa kinikilala kong ama.

Iyong Tita Helen ko na ang nagpalaki sa akin at nag-alaga simula nuoong mamatay si mama. Grade four ako noong lumipat ako kay Tita Helen, mula noon ay sa Tita Helen ko na ako tumira, kakauwi lang noon sa abroad ni tita nung mamatay si mama, mula noong ipinanganak ako hanggang sa bago mamatay si mama ay nasa abroad ang tita ko, kaya wala siyang alam sa mga naging affair ni mama. Dalawa lang silang magkapatid ni mama kaya siya na ang nag-alaga sa akin.

Nung nag-high school ako ay nagtungo muli ang tita ko sa abroad upang magtrabaho dahil kukulangin na kami sa panggastos noon dahil nasa kolehiyo na ang pinsan kong si Kuya Mak, kaya si Tito Eddi na ang nag-alaga sa akin. Itinuring nila akong parang tunay nilang anak.

"Bakit ngayon ka lang?" iyon lang ang nasabi ko, dahil nalilito pa rin ako.

"Patawarin mo ako anak kung ngayon lang ako. Hinanap kita, kayo ng mama mo, noong nalaman ko kay Anton na hindi siya ang tunay mong ama, pero wala siyang balita sa inyo, dahil mula nung lumayo si Aura sa akin ay lumayo rin siya kay Anton. Kaya hindi ko alam saan ako mag-uumpisang mag-hanap. Kaya kahit saan na lang hinanap ko kayo. Walang silbi ang pera ko, pag talaga ayaw magpahanap ng taong hinahanap mo. Pero nagpapasalamat ako dahil sa loob ng pitong taon nahanap kita."

"Wala na si mama. Matagal na siya patay. 8 years old ako noong mawala si mama dahil sa car accident. Akala ko wala na talaga akong papa. Kasi sabi ni mama patay na daw siya, pero may picture niya ko." Ipinakita ko sa kanya iyong picture.

"Si Anton iyan, kaibigan nang mama mo." Niyakap akong mahigpit nung lalaki, at humarap sa tita ko, "gusto ko sanang kunin ang anak ko."

"Pasensya na pero hindi ako makakapayag sa bagay na iyan. Inalagaan ko iyan hindi para lang kunin mo o ng kung sino man. Pamangkin ko iyan at parang anak ko na rin, kaya hindi ako makkapayag."

"Hindi ko naman siya kukunin na parang hindi ko na siya ibbalik o ipapakita saiyo, gusto ko rin namang makasama ang anak ko, gusto kong bumawi at ibigay sakanya ang mga bagay na hindi ko naibigay noon,"

Humarap ako sa tita ko, "Pumayag ka na tita, gusto ko rin siyang makasama."

Huminga muna ng malalim nag tita ko bago pumayag halatang nappilitan lang siya, ikaw ba naman iyong batang pinalaki mo ng 11 years bigla na lang kukunin.

"Paano muna ko makakasiguradong aalagaan mo si Annie, at ikaw ba talaga ang tatay?"

"May isang salita ako. At kahit kailan hindi ko ipinahamak ang kahit sino sa mga anak ko. At para makasigurado ka, magpapa DNA test kami, after result, saka ko lang siya kukunin rito."

"Wala ka na rin namang obligasyon sa pag-papaaral sakanya dahil napagtapos ko na siya," sabi ni tita.

"Kung ganoon, kung gusto niya pwede siyang magtrabaho sa kumpanya ko," nakangiting sabi nung lalaki.

Napangiti na lang ako. Hindi muna umalis ung tunay kong ama. Nagkwentuhan pa kami at pinakita ko sakanya iyong photo album namin ni mama.

Ikinuwento niya saakin paano sila nagkakilala ni mama, at kung bakit sila nagkahiwalay.

May girlfriend pala noon ang tunay kong ama at engage na sila noong makilala niya si mama, sa hindi sinasadyang pangyayari, may nangyari sa kanila na ako ang ibinunga, hindi daw siguro malaman ni mama kung sasabihin niya na buntis siya dahil isang buwan na lang ikakasal na 'yung tunay kong ama noon. Dahil hindi raw ugali ni mama na manira ng relasyon ng iba, inako na lang ni mama mag-isa ang pagpapalaki sa akin, na tinulungan naman siya noon ng kaibigan nung tunay kong ama na kinilala kong ama, kaibigan din pala kasi siya ni mama. Kaya nagkakilala si mama at iyong tunay kong ama ay dahil na rin sakanya. Ang sabi raw nito sa aking tunay na ama kaya niya ako inako noon ay dahil sa pakiusap ni mama at feeling niya siya rin ang may kasalanan kaya nagbunga ng ganoon dahil siya ang dahilan nang pagkakakilala ng tunay kong ama at ni mama. Isa man akong pagkakamali, pero binuhay at inaalagaan ako ni mama, dahil mahal na mahal ako ni mama.

Hindi naman daw pinagsisihan nung tunay kong ama iyong nangyari sa kanila ni mama. Naging espesyal sakanya si mama, ngunit mas nanaig pa rin daw ang pag mamahal niya sa asawa niya, kung alam lang niya na nabuo ako, at siya ang ama, hindi niya tatakbbuhan ang responsibilidad sa akin.

Baka nga daw iba ang nangyari noon, maaaring hindi siya naikasal, o naikasal man pero ibibigay pa rin niya sakin ang apelyido niya.

Ngayon kasi ay ang surname ni mama ang ginagamit ko. N/A nga yung Father ko sa Birth Certificate ko e, Illegitimate din ang nakalagay pero okay lang. Wala kasing perfect.

Pero sabi nang tunay kong ama, aayusin daw niya iyon at ililipat niya ako sa pangalan niya.

Ako nga pala si Annie Salazar soon magiging Annie Salazar Sandoval na ako. Nineteen years na kong nabubuhay, nakatapos na ko nang pag-aaral, at Business Administration ang kinuha kong course, naghahanap ako ng trabaho pero wala pa ring tumatanggap sakin, July na ngayon at fresh grad lang ako, kaya ang hirap, pero ngayon mukhang di ko na kailangan pang maghanap, sabi naman ng tunay kong ama pwede akong magtrabaho sa kumpanya niya.


MAKALIPAS ang dalawang linggo bumalik iyong tunay kong ama, dala-dala iyong result nung DNA. Nasa bahay ngayon iyong tito ko at pinsan ko, kumpleto kami. Positive ang result, may dala pa si Daddy, tulad ng gusto niyang itawag ko sakanya. May dala siyang picture nila ni Mama at ni Papa Anton.

Kinausap siya ng tito ko, dahil si tito ang tumayong ama sakin kaya hirap din siyang ibigay ako, pero sabi niya para naman sakin iyon and he wants the best for me, kaya pumayag na rin siyang sumama ko sa tunay kong ama. Nag-iyakan pa kami ng pinsan ko, kasi naman super close kaming dalawa, alagang-alaga ako nun.

Nung mismong araw na iyon sumama na ako sa tunaykong ama.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon