After five years
It's my flight today, it's been five years, at kahit kailan ay hindi ako umuwi ng pilipinas, ngayon pa lang. Nagtampo nga sa akin si Stacey e, kaya sila na lang ang dumadalaw sa akin sa Paris, pagbakasyon niya.
Ngayon ay nakapagtapos na siya, two years ago, hindi ako nakauwi nung graduation niya, kaya sobra tampo niya sa akin. Buti na lang, nasuhulan ko siya ng mga damit na gawa ko.
At ngayon, hindi na ako pwedeng umatras sa pag-uwi ko.
Hinarap ko ang kaibigan kong si Trina, "Trins, ikaw muna ang bahala sa kanya, aayusin ko muna ang mga papel niya bago ko siya balikan rito."
Ngumiti siya sa akin, "Don't worry about him, I'll take care of him. You should go now; you can't be late on your flight, bye Annie." Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Bye, Trins." Tiningnan ko siya na mahimbing na natutulog. Nakapag-usap na kami kagabi, kaya alam kong hindi na siya iiyak paggising niya at wala na ako.
Lumapit ako sakanya at saka ko siya hinalikan sa noo.
You'll meet my family soon, son.
I waved goodbye to Trina.
FINALLY, I'M BACK! Hello, Philippines!
Paglabas ko nang airport ay nakita ko kaagad si Sander, kaya nilapitan ko siya at ginulat.
"Ate!"
"Hey, bro. Tangkad mo na a."
"Matangkad talaga ako Ate," inabot niya 'yung mga bagahe ko, sumakay na ako ng sasakyan at ganoon rin siya nung mailagay niya sa loob ng sasakyan 'yung mga bagahe ko.
"Miss na miss ka ng bunso natin, Ate." Nakangiting sabi ni Sander habang nagmamaneho.
Siya lang ang sumundo sa akin, dahil busy daw sa bahay sina Daddy sa paghahanda.
Nakauwi na akong pinas, ano na kayang mangyayari ngayon. Hindi ko na matatakasan ang bagay na matagal ko ng tinatakasan.
Alam ko naman na pasasaan ba't darating din ako sa puntong ito, pero kahit kailan ko ihanda ang sarili ko, feeling ko hindi pa rin ako handa.
Ilang sumbat kaya ang maririnig ko. Ilang masasakit na salita. Kakayanin ko, para sa anak ko.
Nakarating na kami rito sa bahay, may kaunting salo-salo dahil sa pag-uwi ko, narito din sina Tita Helen, Tito Eddi at Kuya Mak.
"Namiss kita, anak." Sabi ni Tito Eddi habang yakap-yakap ako. "Ang ganda-ganda mo na lalo, kamukhang-kamukha mo ang mama mo." Dagdag pa niya. Sobra rin ang pagkamiss ko sa kanila, limang na taon ko silang hindi nakita.
Lahat naman sila ay puro namiss lang ang sinasabi sa akin. Yakap dito, yakap don. Si Stacey, hindi na ko hinihiwalayan, laging nakasunod sa akin. Sobrang miss daw niya kasi ako.
Si Clint, ayun he hugged me nung dumating ako, pero ngayon hindi siya lumalapit sa akin. Mabuti na rin 'yun, siguro naka-move on na rin siya, katulad ko.
Okay naman na siguro 'yung limang na taon para maka move on siya sa nararamdaman niya para sa akin. Sa loob rin naman kasi ng limang na taon, hindi siya sumama kila Daddy sa pagdalaw sa akin sa Paris. Halatang iniiwasan na niya ko, na mabuti naman dahil, naka move on na rin ako, dahil sa hindi niya pagpapakita sa loob ng limang na taon.
Hanggang sa pagtulog ko kasama ko si Stacey, hindi talaga ako iniwan.
Sa mga sumunod na araw ay wala namang kakaibang nangyari. Walang mahalay na Clint.
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
DragosteWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...