Chapter Three

65K 780 26
                                    

­­Hayy, wala akong magawa rito sa bahay. E, kasi naman, pumapasok na sa school si Stacey at Sander. Si Dad laging nasa trabaho, si Clint din, si Tita Stela may sarili pala siyang business, at iyon ang pinagkakaabalahan niya.

E, ako? Wala. Nganga lang ako rito sa bahay. Wala naman ako friends dito, tapos na ko mag-aral, hindi pa ko binibigyan ni Daddy ng trabaho. Two weeks na rin ako dito.

Nakakatamad naman nang magpagala-gala sa mall mag-isa e. Hindi ko na alam gagawin ko, baka tumaba na rin ako kakakain ko rito.

Nabasa ko na rin lahat ng libro ni Stacey.

Nalaro ko na lahat ng laro sa Iphone ko.

Makapunta na nga lang sa coffee shop ni Tita Stela.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama saka inayos ko ang sarili ko, saka ako lumabas. Malapit lang naman iyong coffee shop ni Tita Stela. Kaya nilakad ko na lang.

Nang makarating ako roon, may iilang tao. Hinanap ko kaagad si Tita Stela, pero mukhang busy ata siya, parang nagmi-meeting sila. May ilang kausap kasi siya.

Kaya umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tabi ng glass wall.

May lumapit sakin na crew. Tinanong order ko, e hindi naman ako mahilig sa coffee at wala akong alam sa mga klase ng coffee, kaya sabi ko na lang, iyong pinaka masarap nyo, at iyong hindi matapang.

Naisip kong itext si Kuya Mak, pero paniguradong nasa trabaho iyon, kagabi kasi magdamag kaming magkatext ni Kuya Mak. Miss na daw niya ko. Pati sila Tita miss na daw ako. Ako rin naman miss ko na sila. Ang kaso kasi malayo sila kaya hindi kami makapagkita ng madalas. Hindi ako makabisita sa kanila ng madalas.

'Yung mga friends ko rin doon, namimiss ko na.

Nakita ko may wifi dito, kaso may password, kaya hiningi ko sa crew iyong password, matapos ibigay sa akin iyong order ko.

Ibinigay naman niya. Kaya nakapag-facebook ako agad.

Nung tinikman ko 'yung coffee na order ko, masarap din, sakto sa panlasa ko.

Habang nagba-browse ako ay may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Tiningnan ko iyong lalaki. Nakangiti sakin.

"Makiki-upo lang miss."

Tinanguan ko lang siya. Saka ipinagpatuloy iyong ginagawa ko.

"Ahh. Miss pansin ko lang hindi mo ata iniinom iyong coffee mo. Miss? Miss?"

Salita lang siya ng salita pero hindi ko siya pinapansin.

"Miss?"

Nakakainis na a. Hindi pa rin makahalata ayoko nga ng kausap e. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko kinuha iyong coffee ko, saka ako lumipat ng upuan.

"Hoy, miss. Ano bang problema mo. Kinakausap ka lang a." nakatayo na sa tabi ko iyong lalaki. Balak na naman ba nitong tumabi sakin? Punyemas naman!

"Hindi mo ba nakikitang ayaw makipag-usap sayo nung tao?" parang kilala ko iyong boses na 'yun. Kaya dali-dali akong nag-angat ng tingin.

Si Clint nga!

"Pare 'wag kang mangialam dito, nag-uusap kami ng girlfriend ko." Maangas na sabi nung lalaki.

Ha! Kapal ng mukha a, ansabe? Girlfriend? Ako? Napatawa ako ng pagak.

"Ulol mo. Ako boyfriend niyan e." biglang sabi naman ni Clint. Bigla namang parang napahiya iyong lalaki.

Aba mahiya talaga siya, kapal niya. I-claim na girlfriend ako? Kapal. Sobra.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon