Chapter Seven

53.2K 627 38
                                    

MAGKATABI kaming nakahiga sa kama ko, nilalaro ni iyong daliri ko, habang nakaunan ako sa dibdib niya.

Feeling ko sobrang makasalanan ko na, kasi pumatol na naman ako sa kapatid ko. Bakit kasi kailangan pa naming maging magkapatid?

Akala ko over na ko sakanya, hindi pa pala, hindi na pala mangyayari 'yun kasi hulog na hulog na ko. 'Yung nararamdaman ko sakanya higit pa sa kapatid, sobrang tindi, at matindi na 'yung tama ko. Patulan ko daw 'yung Kuya ko.

Hindi naman ako nagdadrugs, nasa matinong pag-iisip naman ako. Pero bakit hindi ko mapigilan 'yung nararamdaman ko.

Nung makita ko siya sa tapat ng pinto ko kanina, nakadama ako ng katuwaan, parang 'yung bigat nung nararamdaman ko gumaan nung masilayan ko siya.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa natin?"

"Hmm?"

"Mali to, kuya kita, half brother, magkadugo tayo, kahit kalahati, magkadugo pa rin tayo." Bumangon ako at umupo, tiningnan ko lang siya at naghintay ng matinong sagot mula sa kanya.

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya, "Hindi tayo magkapatid," mariing sabi niya.

"Anong hindi? Anong pinagsasabi mo? Do you even hear youself? Iisa kaya ang Daddy natin."

"Hindi ako totoong Sandoval," bumangon at umupo na rin siya sa kama, tinitigan niya ako sa mga mata ko, "Ampon lang ako,"

"Ha?" parang ayaw tanggapin ng isipan ko 'yung mga sinabi niya. Nalilito ako.

I felt his hand on my cheek, napapikit ako, "Lumaki ako sa bahay ampunan, kapapanganak pa lang ni Mommy kay Sander ng ampunin nila ko, itinuring nila akong parang tunay na anak."

"Bakit ka nila inampon?"

"Ayaw mo ba?"

"Sira, hindi sa ganun, gusto ko lang malaman kung bakit,"

"There's no reason behind it, gusto lang nila. Naging close rin kasi ako kay Daddy noon, dahil madalas siyang dumalaw sa ampunan, siguro dahil doon, ewan, basta gusto daw nila kong alagaan, hanggang sa napamahal na sila sa akin, at ako sakanila." Paliwanag niya.

"So, maling-mali talaga 'tong ginagawa natin, kahit na nga ba hindi tayo blood related, still, tinuring ka nilang anak, at magkapatid tayo, sa mata nila, at sa mata ng ibang tao. Kasalanan 'tong ginagawa natin. Incest!"

"Walang mali sa ginagawa natin. Sabihin mo lang na mahal mo ko, walang mali sa ginagawa natin."

Napakunot ako ng noon, "'Yan! 'Yan tayo e, basta may kasamang mahal hindi na mali, kailan nga ba naging mali ang magmahal? Pero sa sitwasyon natin, oo mali, maling-mali!" tumayo ako sa kama, dumiretso ako sa walk in closet ko saka ako humila ng isang maluwang na t-shirt saka ko isinuot at lumabas, paglabas ko nakabihis na rin siya.

"Bakit ba hindi mo na lang tanggapin?"

At siya pa ang may ganang gumamit ng tonong naiinis? Tss. "Mahirap tanggapin!" hinarap ko siya, "Hindi mo ba naisip 'yung sasabihin ng ibang tao? 'Yung mararamdaman nung mga taong nagpalaki at itinuring mong magulang? Kahit man lang 'yung mararamdaman nila isipin mo." I don't know, pero feeling ko kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. Kasi parang ang sikip sikip ng dibdib ko. Punong-puno ng iba't-ibang emosyon.

Napasabunot na lang siya sa buhok niya, humarap siya sa akin, "Mas gusto ko ng isipin 'yung nararamdaman ko sayo, kesa sa mararamdaman nila, kasi mahal kita."

Napatawa ako ng pagak, "Mahal? Baka libog lang 'yan."

"Ganyan ka ba talaga mag-isip? Hindi ganyan 'yung Annie na nakilala ko. 'Yung Annie na dumating sa bahay namin na simple, nagpunta ka lang dito nagbago ka na."

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon