Chapter Twelve

37.3K 549 13
                                    

NAPAPADALAS ANG paglabas ko kasama si Kristoff, gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Si Clint? Wala naman siyang magawa kapag sinusundo na ko ni Kristoff sa bahay. Hindi niya ako napipigilang umalis, saka busy rin siya sa kumpanya, kaya free akong magliwaliw.

Ngayon nga ay narito kami sa condo ni Kristoff, oo sa condo talaga, hindi kami gagawa ng kahalayan. I only see him as a friend. Wala naman kasi akong naging friend ditto sa pilipinas simula nung umuwi ako galling Paris, 'yung mga dati kong kaibigan may kanya-kanya na silang buhay at sa tingin ko ay hindi naman na nila ako naaalala. Kaya hindi ko na sila sinubukang kontakin.

Nakaharap ako sa laptop ni Kristoff at hinihintay kong sagutin ni Trina 'yung tawag ko. Skype session kasi naming ng anak ko ngayon.

Wala pang isang minuto lumitaw na 'yung mukha ng anak ko sa screen. Napangiti ako agad ng makita ko ang nakangiting mukha ng anak ko.

"Mommy!!!" masiglang sabi niya.

"'Yung baby ko mukha tumataba a,"

"No, Mommy. Big na kasi ako,"

Ayaw niya talagang napagsasabihan ng mataba, "Hindi ka ba pasaway kay Tita Trina mo?"

Umiling siya bilang sagot. Napaka bait talaga ng anak ko.

"Mommy, hindi na ako mag-cry, sabi ni Tita Trina, pag nag-cry ako, hindi ka uwi rito, kaya hindi na ako mag-cry para uwi kana, kasi miss na kita."

Miss na miss ko na rin ang anak ko, miss ko na siyang yakapin, "Miss na rin kita baby. Ay, baby may ipapakilala si Mommy sayo,"

Nagtatakang tiningnan lang ako ng anak ko.

"Kristoff!" tawag ko kay Kristoff. Lumapit naman siya agad sa akin, nakangiting sumilip siya sa laptop, at kumaway sa anak ko.

Nakatingin lang sakanya si Cloud, "Baby, this is Tito Kristoff, Mom's friend."

"Friend like Tita Trina?"

"Yes, baby."

"Mukhang ayaw sa akin ng anak mo bilang higit sa friend a," natatawang sabi ni Kristoff.

"Ano ka ba. Hindi kasi sanay si Cloud na may kasa-kasama akong lalaki, kaming tatlo lang kasi nila Trina ang madalas magkakasama, pag may nakita siyang lalaki na kasama ko, for sure naman na mga bakla. And take note, magaling kumilatis ang anak ko kung bakla ang isang lalaki." Natatawang sabi ko.

"Baka bakla 'yang anak mo paglaki niyan,"

Hinampas ko nga siya sa braso, sabihin daw ba 'yun, "Hindi no. Sa gwapo ng anak ko, habulin 'yan paglaki niyan."

"Malay mo naman," aba't mapilit talaga.

"Okay lang naman, tatanggapin ko kung ano man ang anak ko paglaki niya." Sinilip ko ang anak ko na nakatingin lang sa amin ni Kristoff, "Lumaki kasi siya na mga gay ang nakikita niya at hindi tunay na lalaki. Puro gay friend ang pinapakilala ko sakanya, ikaw pa lang ang straight na guy friend ko."

"Mommy, let's talk, don't talk to him."

"Aww. 'Yung baby ko nagseselos, o siya, dun kana Kristoff, mag-uusap pa kami ng anak ko." Natatawang itinulak ko si Kristoff palayo sa akin.


"SABI MO hindi magwo-work 'yung date nilang 'yun, pero bakit laging kasama ni Annie 'yung lalaking 'yun?" naiinis na sabi ko kay Stacey.

Palagi na lang kasing kasama ni Annie 'yung Kristoff na 'yun. Hindi ko na siya mabantayan dahil busy rin ako sa Empire, dahil kailangan ko munang tutukan 'yun, para makuha ko ang approval ng Board.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon