PAPASOK NA sana ako sa kwarto ni Clint para sabihing nakagayak na ang anak niya, pupunta kasi kami ng Star City para ilibot ang bata. Nang marinig kong may kausap siya.
Sinilip ko siya sa siwang ng pinto na nakabukas, nakita ko na si Daddy 'yung kausap niya. Aalis na sana ako ng marinig kong binanggit ni Daddy 'yung pangalan ko. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba. Pero pinaglihi ako sa curiousity, nacurious ako dahil kasama ang pangalan ko sa pinag-uusapan nila.
"Nung nagtapat siya sa amin ay hindi ko na sinabing alam ko na ang lahat ng tungkol sa inyo. Alam ko kasing magagalit siya sa akin, lalo na sa iyo. Kung bakit kasi hindi mo sinabi sakanyang alam naman na namin, hindi na sana tumagal pa ng ganito."
"I'm sorry po, Dad. Ano pong sinabi niyo sakanya?"
"Basta sinabi ko na lang na tanggap ko kung ano mang relasyon ang mayroon kayo. At tanggap ko ang anak niyo. Paniguradong masasaktan siya sa oras na malaman niya na alam naman naming lahat ang tungkol sa inyo at hindi lang kami nangingialam dahil relasyon niyo iyan. 'Wag mo na lang sanang sasaktan ang anak ko, Clint."
"Salamat Dad, makakaasa kayong hindi ko sasaktan si Annie. Mahal na mahal ko siya."
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sarili ko na gumawa ng ingay. I felt betrayed. Alam na nilang lahat, tapos ako na mukhang tanga na akala ko wala silang alam na pilit ipinaglalaban ang sa tingin ko ay tama.
Pinagmukha lang nila akong tanga.
Kaya pala kahit halata na ang pagiging clingy ni Clint sa harap ng pamilya ay wala silang pakialam dahil alam na nila.
May alam sila pero ako wala.
Hindi man lang niya sinabing sinabi na pala niya kila Dad ang tungkol sa nangyayari sa amin, nagmukha akong tanga.
Kaya pala mapilit siya na maari kaming tanggapin kasi tanggap naman pala talaga. Alam na nila. Mukha akong tanga, grabe.
Pilit kong iniingatan ang isang bagay na hindi naman pala dapat.
Pilit kong pinapahalagahan ang isang bagay na wala naman palang halaga.
Ang sakit.
Mas masakit pa 'to sa pagsasakripisyo ko ng sarili kong kasiyahan para sa kanila.
Sana man lang nagsabi sila ng hindi na ako umabot sa ganito.
Ang sakit-sakit. Sarili kong pamilya niloko ako.
Ayoko silang biglain sa pag-amin ko, pero ako pala itong mabibigla sa mga nalaman ko.
Kaya siguro payapa siyang natutulog na walang kaproble-problema, dahil wala naman talaga siyang pinoproblema, samantalang ako nagagawa ko pang kunsensyahin 'yung sarili ko.
Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ko 'yung isang bag at pinaglalagay ko roon 'yung gamit ni Cloud at ilang damit ko.
Binuhat ko si Cloud at dali-dali kaming lumabas ng bahay.
"Mommy san tayo pupunta? Asan si Daddy?" tanong ng tanong nag anak ko pero hindi ko pinansin.
Nagpunta kami sa terminal ng bus at sumakay sa bus papunta sa lugar na matagal ko ng hindi nadadalaw.
Mabuti pa sa lugar na iyon, minahal at hindi ako sinaktan ng mga taong naroroon.
Iuuwi ko na ng probinsya ang anak ko at hindi na kami magpapakita sa kanila.
"PADALOS-DALOS KA ng desisyon Annie, hindi mo man lang inisip ang anak mo. Tandaan mo hindi na lang para sa sarili mo ang gagawin mong desisyon kundi para na rin sa anak mo." Sabi sa akin ni Tita Helen.
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
RomanceWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...