HINDI KO alam kung anong gustong palabasin o gawin ni Clint, pero patuloy pa rin siya sa panlalandi sa akin. Si ako naman, nagpapalandi rin.
Kung yummy naman kasi 'yung lalandi sayo, aayaw ka pa ba? Ang kaso lang kasi, incest naman kami! Mag-kapatid kami, kahit kalahati lang, mag-kapatid pa rin!
Kaya eto ako ngayon sa kwarto ni Stacey, hindi kasi ako nilalandi ni Clint pag kasama ko si Stacey o si Sander e, lalo naman pagkaharap si Dad at Tita Stela.
"Ate, ayaw ka pa rin pag-work-in ni Dad?" biglang tanong sakin ni Stacey.
"Oo ayaw pa ni Dad. Sulitin ko daw 'tong bakasyon ko na 'to. Nakakabagot na nga e."
"E, Ate, mag-aral ka na lang uli."
"Aral na naman. Haha. Sabagay nami-miss ko na rin pumasok ng school."
"Ano namang kukuhanin mong course? Culinary? Haha."
"Alam mo namang wala akong hilig sa pagluluto o kung ano pa mang kamag-anak ng pagluluto. Ayaw sakin ng mga sandok. Haha."
"Ano pa bang hilig mo kasi Ate?"
"Mag-design." Simpleng sagot ko, naalala ko tuloy, 'yung time na inaayos namin ni Tita Helen iyong kwarto ko, saka iyong buong bahay, pati mga kaibigan ko nagpapatulong sa akin sa pag dedesign ng kwarto nila. Magaling daw kasi ako.
"Bakit hindi about sa paged-design 'yung kinuha Ate?" bigla atang nacurious si Stacey, hindi ko pa pala nakukwento sa kanya iyong bagay na iyon.
"E, kasi sa school na pinag-aralan ko, walang ganun dun, saka probinsya kasi 'yun. Wala namang sapat na pera si Tita para pag-aralin ako rito sa Manila. Kaya iyong pangarap kong iyon, isinantabi ko muna, kumuha ko ng course na sa tingin ko e, makakatulong sa amin. Magandang course naman ang business. Ang kaso lang, hindi ako business minded na tao. Haha."
"Mag-aral ka uli Ate, sayang iyong galing mo sa paged-design kung mapupunta lang sa wala," suhestiyon ni Stacey, sabagay tama naman siya, may pera naman si Daddy pampaaral sa akin, siguro naman papayag siya, tutal ayaw niya naman ako pag-trabahuhin.
"Anong klaseng pagde-design ba ginagawa mo Ate?"
Natawa ako sa tanong niya, kasi naman, parang hindi ko alam isasagot ko. "Nagde-design ako ng mga rooms. 'Yung room ko doon sa bahay ni Tita Helen, ako ang nag-ayos, 'yung mga friends ko tinulungan ko sa paged-design ng room nila. Nagdo-drawing din ako ng mga damit, may notebook ako noong high school ako, iba't-ibang klaseng dress, gown, blouse, tas may shoes din ako dinodrawing. Kaso nung High School pa 'yun, tagal ko na ring hindi nagagawa 'yun."
"E, Ate asan na 'yung notebook? Patingin ako!"
Inalala ko kung nasaan 'yung notebook na 'yun, tagal na rin kasi nung huli kong binuklat 'yun. "Ay, hindi ko nadala rito, nandun sa room ko sa bahay ni Tita Helen." Malungkot na sabi ko, alam ko naman na gustong-gusto ni Stacey na makita 'yun. "Pag-uwi ko doon, kukunin ko, para maipakita ko sayo," saka ko ginulo 'yung buhok niya.
"Magdrawing ka na lang ngayon Ate, kahit isa lang."
"Mahirap Stacey, pag kasi ako nagdrawing dapat 'yung nasa isip ko na 'yung design. Para guhit lang ako ng guhit."
"Ayy, ganun ba 'yun, hindi kasi ako magaling sa arts. Haha." Nginitian ko lang siya sa sinabi niya, "I'll tell Dad na pag-aralin ka niya ng fashion design Ate, sayang talent mo e,"
"Parang mas gusto ko ng Interior Design, Stacey."
"E Ate, diba sabi mo madami ka na nadrawing na damit."
"Oo nga, but anyway, pareho naman silang about sa design e,"
"Sabagay, suportahan na lang kita sa gusto mo Ate,"
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
RomanceWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...