Chapter Sixteen

33.6K 467 101
                                    

Annie's POV

MASAYA KONG pinagmamasadan ang anak ko na naglalaro sa loob ng bakuran ni Tita Helen. Nang biglang may sasakyang huminto sa tapat.

Huminto naman sa paglalaro ang anak ko ang naghihiyaw ng makita niyang bumaba mula sa sasakyan 'yung ama niya.

"Daddy!!" tumakbo palapit sa kanya si Cloud.

Dali-dali naman akong lumabas ng bahay para kunin si Cloud mula sa kanya.

"Ibigay mo sakin si Cloud."

"No." inilayo niya sa akin si Cloud.

"Ano ba! Akina 'yung anak ko."

"Anak ko rin 'to kaya may karapatan ako sakanya."

"'Wag kayong mag-away sa harap ng bata! Akina 'yang bata. Saka kayo mag-usap na dalawa." Kinuha ni Tita Helen si Cloud mula kay Clint.

Susundan ko sana sina Tita Helen ng pigilan ako ni Clint.

"Mag-uusap tayong dalawa."

"Wala tayong pag-uusapan, bitiwan mo ko,"

"'Yan, dyan ka magaling, sa pagtakas! Ano bang napapala mo sa pagtakas mo ha? Bakit hindi natin 'to pag-usapan."

Hinarap ko siya, "Ano? Ano ang pag-uusapan natin? Kung paano niyo ako niloko?! Ha?! Pinagmukha niyo kong tanga! Lahat kayo. Kung ano ano ng iniisip ko, kung ano-ano na ang pinaggagawa ko, pero kayo pinagkakaisahan niyo ako!" tumulo na ang luha ko. Hindi ko na mapigilan ang pagbugso ng emosyon ko. "Pinagmukha niyo akong tanga!"

"Annie..."

"Ano?! Sana man lang sinabihan mo ako na alam na nilang lahat ng tungkol sa atin. Nang hindi ako nagmukhang tanga sa harap nila. Sana hindi na tayo umabot sa ganito, pero anong ginawa niyo? Anong ginawa mo?!" pinaghahampas ko sa dibdib niya.

Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko na kayang pigilang 'yung sarili ko, feeling ko mamamatay na ko sa sakit pag hindi ko nailabas lahat ng hinanakit ko.

Hinuli niya 'yung mga kamay ko, "I'm sorry, alam ko nagkamali ako, patawarin mo ako, Annie."

"Patawarin? Tapos ano? Anong susunod na mangyayari ha?"

"Ayusin natin 'to, lahat ayusin natin, magsimula tayo uli, 'yung wala ng kasinungalingan. Annie, mahal na mahal kita, hindi ko na kakayanin kung mawawala pa kayong mag-ina sa akin." Lumuhod siya sa harap ko, "Patawarin mo ako Annie,"

"Tapos ako pa ang sinisi mo sa mga naging desisyon ko, pero ikaw itong may mali, may pagkakataong kang itama ang mga naging desisyon ko, kung sinabi mo lang sa akin agad. Pero ano? Wala ka namang ginawa kundi ang ikama ako sa tuwing magkikita tayo. Sinasabi mo ngang mahal mo ako, pero 'yung mga ginagawa mo hindi rin naman tama. Pareho mo lang pinahirapan ang mga sarili natin. Kung meron mang dapat sisihin kung bakit nasa ganitong sitwasyon tayo ay ikaw iyon, ikaw."

"Patawarin mo ako. Alam ko nagkamali ako, patawarin mo ako. Magsimula tayo uli, please..." pagmamakaawa niya sa akin.

Pareho na kaming umiiyak, gusto ko na rin sumaya, kaming mag-ina, pero masakit pa.

"Alam mo bang mahal na mahal kita? Isinakripisyo ko 'yung sarili kong kasiyahan para sa kanila, kasi akala ko mali, kasi akala ko hindi nila matatanggap, pero nagkamali ako. Sinaktan ko 'yung sarili ko para sa kanila, na hindi naman pala dapat. Kinalimutan kong mahal kita, para sa kanila, kaya ang sakit sakit para sakin na malaman kong may alam naman pala sila, tapos ako wala. Ang sakit-sakit sa parte ko. Ang sakit sakit kasi hanggang ngayon mahal kita. Mahal na mahal kita."

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at niyakap ako. "Sabihin mo lang kung anong gusto mo, gagawin ko, mawala lang 'yang sakit na nararamdaman mo, pero 'wag lang 'yung kalimutan at iwan ka, dahil hindi ko kayang gawin iyon. Mahal na mahal kita."

Tiningala ko siya, "Sabi mo magsimula tayong muli."

Tumango siya bilang sagot.

"Sasama ka ba sa amin ni Cloud pabalik ng Paris? Kaya mo bang iwan sila Daddy?"

Nakatitig lang siya sa akin.

"Ano? Galit pa ako sa kanila at hindi ko alam kung mapapatawad ko sila kaagad, I felt betrayed dahil sa ginawa nila. Pwede naman nilang sabihin sa akin na alam nila pero hindi nila ginawa."

"Dahil sinabi ko sakanilang 'wag sasabihin sayo, 'wag kang magalit sa kanila, kasalanan ko lahat,"

"Buo na ang desisyon ko, sasama ka ba sa amin ng anak mo at iiwan mo sila? O mananatili ka sa kanila?"

Matagal bago siya sumagot, pero inaasahan ko na rin naman ang isasagot niya, "Sasama ako sa inyo,"

Sabay-sabay kaming tatlo na umuwi ng manila, pero hindi kami umuwi ni Cloud sa bahay ni Daddy, naghotel kaming mag-ina. Si Clint naman ay umuwi para kumuha ng gamit niya at gamit namin ni Cloud.

Nagpaalam ako kina Tita Helen na uuwi muna kami sa Paris. Pumayag naman si Tita Helen, dahil desisyon ko raw iyon at hindi siya mangingialam.

Hindi ko na alam kung anong kaganapan pa ang nangyari sa bahay ni Daddy nung kinuha ni Clint ang mga gamit namin, o kung ano mang mga sinabi niya kina Daddy, dahil hindi naman na ako nagtanong nung dumating siya sa hotel na tinutuluyan namin.

Kinabukasan rin ay umalis kami ng pilipinas.

Gusto kong makalimot at gusto kong magsimula.

At gusto ko na pagbalik naming tatlo ay maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Clint, at napatawad ko na rin sina Daddy.

Gusto ko muling maramadaman na kumpleto ako.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon