Chapter Two

66.6K 717 29
                                    

Annie's POV


Pagkarating namin sa bahay ni Daddy sa manila ay nalula ako sa luwang at ganda nung bahay. Parang 'yung sala nila, 'yun na 'yung buong bahay namin sa probinsya. Hindi naman kasi mayaman 'yung pamilyang kumupkop sa akin, pero mayaman sa pagmamahal, iyong pamilya kaya niya ganoon? Parang bigla akong natakot, baka hindi nila ako tanggapin e.

Pero nagkamali ako, dahil ang babait nila sakin.

"Annie, this is my wife Stela," turo niya dun sa may edad nang babae, pero halata pa rin iyong ganda, ang elegante niyang tingnan, "my son Sander kasing edad mo lang siya mas matanda ka lang ng buwan," tapos itinuro naman niya iyong lalaki, gwapo siya, mukhang kasing edad ko nga lang siya, matangkad lang siya sakin, tapos lumapit siya dun sa batang babae, "ito naman ang bunso si Stacey. Wala pa iyong panganay, si Clint. Nasa trabaho pa siguro iyon, mamayang gabi makikilala mo siya." Ang ganda din nung batang babae, sa tingin ko ilang taon lang iyong tanda ko sakanya.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Nginitian ko rin isa-isa iyung pamilya niya. Nakangiti rin silang lahat sa akin.

"Yey! May ate na ko!" masiglang sabi ni Stacey. "Daddy, sasamahan ko siya sa room niya."

"Sige, Stacey, samahan mo ang ate mo."

"'Wag mong dadaldalin Stacey, lalo lang mapapagod si Ate, mas nakakapagod ka pa namang kausap."

"Daddy o! Si Kuya nga." Nakangusong sumbong ni Stacey kay Daddy.

"Sige na. Umakyat na kayo, Stacey." Sabi naman nung Mommy nila.

Kaya hinila na ako ni Stacey paakyat sa kwarto, "Eto 'yung room ni Kuya Sander, tamad kasi 'yun maglakad kaya tinapat na sa hagdan 'yung kwarto niya, 'yung katabi naman 'yung room ko." tapos naglakad pa kami, maluwang kasi 'yung bahay. "'Yung room mo medyo dulo, katapat ng room mo 'yung room ni Kuya Clint. 'Yung room nila Daddy, sa baba." Huminto kami sa tapat ng pinto, I guess eto na 'yung room ko.

Pumasok kami sa loob, maluwang 'yung kwarto, maluwang pa sa kwarto ko sa bahay ni Tita Helen. Malaki rin 'yung kama niya. May sariling banyo sa loob, tapos walk-in closet pa, sosyal pala rito.

"Ate," tawag sakin ni Stacey.

"Hmm?" umupo ako sa kama, kaya tumabi siya sa akin.

"Na saan si Mommy mo?"

I smiled, "Wala na si Mama ko, 8 years old pa lang ako nang mawala si Mama, sa kapatid ni Mama ako lumaki, sa Tita Helen ko."

"Ay, sorry Ate, hindi ko alam."

"Ano ka ba, okay lang. Ilang taon mo na nga pala?" curious ako e.

"17 na ko, Ate. First Year College na ko."

Napangiti ako, feeling ko close na kami agad. Nagkwentuhan pa kami, kahit sabi niya iiwan na niya ko para makapagpahinga ako, pero nakipagkwentuhan pa ko, gusto ko kasi siyang makilala pa. Ang saya sa feeling na may bunsong kapatid, tapos babae pa. Sana mas maging close pa kami.

Matapos naming magkwentuhan iniwan na niya ko, matulog daw muna ako, at tatawagin na lang niya ko pag dinner na. Kaya ayun nga ang ginawa ko, natulog ako. Hanggang sa namalayan ko na lang na ginigising na ko ni Stacey.

"Ate, kakain na. Bangon kana."

"Hmm? Sige, sunod na ko." Nang makalabas si Stacey ng kwarto saka lang ako bumangon para mag-ayos, at bumaba na ako.

Pagdating ko, nakaupo na silang lahat, tapos may gwapong lalaki rin na nakaupo roon, siya siguro 'yung tinutukoy ni Daddy na panganay.

Lumapit ako sa kanila, saka naupo sa tabi ni Stacey.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon