HINDI PALA ganoon kadaling umasikaso ng kasal. Ang daming arte. Ang daming dapat asikasuhin. Mabuti na lang natapos ko na 'yung mga gown. Lalong-lalo na 'yung wedding gown ko sa oras.
Yes, ako 'yung ikakasal. Oras na para tuluyan akong maging masaya sa piling ng taong mahal ko.
Ako mismo 'yung nag-design ng gown ng bridesmaid. Pati 'yung gown ni Tita Helen ako ang nagdesign, pati 'yung gown ni Tita Stela at Stacey.
Si Trina ang maid of honor ko, si Sander naman 'yung best man ni Clint.
Okay na kaming lahat. Nung umuwi kami ni Clint dito sa pilipinas ay kinausap ko na sina Daddy, nag-sorry naman sila sa akin, si Stacey nga iyak ng iyak. Hindi naman daw niya ginustong magsinungaling sa akin.
Well, wala naman na sa akin ang lahat ng iyon, dahil nung nagpunta kami ng Paris, sinubukan ko ng ayusin ang lahat. Nagpalipas lang naman ako ng tampo ko sa kanila nung nasa Paris ako, matitiis ko ba naman sila? E, pamilya ko sila at mahal ko sila.
Okay na rin si Kristoff at Clint. Magka-good na rin sila ni Cloud.
It's been three years. Seven years old na si Cloud. Malaki na rin siya, nag-aaral na rin siya, balak na naming manatili rito sa pilipinas kaya iniasikaso ko na ang papel ni Cloud para sa paglipat niya ng school.
Okay lang naman sakanya. Mas gusto nga raw niya rito, kaso lang maiiwan namin doon 'yung Tita Trina niya. Hindi kasi pwedeng manatili si Trina rito sa pilipinas, baka-bakasyon lang siya pwede.
Masaya ako dahil maayos na ang lahat. Makukuha ko na ang happy ending na nais ko sa piling ng taong mahal ko.
IT'S BEEN four months, and I'm already married with this guy name Clint Sandoval. Mas naging masaya pa kami nung naikasal na kaming dalawa.
I never thought na mae-experience ko ang ganitong kasiyahan.
Nakabukod na nga pala kami. Kahit sabi ni Tita Stela na doon na lang kami tutal ay maluwang naman 'yung bahay ay hindi ako pumayag, gusto kong ipagpatuloy na namin ang pagsasarili namin lalo na't kasal na kami ni Clint.
Pinapatulog ko si Cloud ngayon, ang kulit kasi ayaw matulog. Kaya binabantayan ko hanggang makatulog, pero ang bata, sobrang daldal.
"Mommy, sabi ni Daddy sa akin, magkakaroon na ako ng kapatid."
Napakunot ang noo ko. Kapatid? Ni hindi pa nga ako buntis, 'wag niyang sabihin na may anak siya sa ibang babae, hinayupak siyang lalaki siya, "Bakit daw?"
"Kasi daw kasal na kayo, kaya may kapatid na ako, pag daw nag pakasal ang Mommy at Daddy nagkakaroon sila ng baby na bigay ni Papa God,"
Hay, kung ano-ano talagang sinasabi ng lalaking 'yun sa anak namin.
Ang sarap pakinggan 'yung salitang anak namin.
"'Wag kang masyadong nakikinig sa Daddy mo, alam mo namang may sira sa ulo 'yung Daddy mo, matulog kana anak, sige na, may pasok ka pa bukas,"
"Okay po, good night, Mommy,"
"Good night, baby." And I kiss his forehead.
Lumabas ako ng kwarto ni Cloud ng tuluyan na siyang makatulog at nagtungo sa kwarto naming mag-asawa.
Nakangiti siya sa akin habang palapit ako sakanya, nang makalapit ako sakanya ay binatukan ko siya, "O, para san 'yun?"
"Para 'yan sa pagpapasok ng kung ano-anong kalokohan sa isip ng anak mo. Ikaw talaga,"
"Hayaan mo na, para ganun lang, maganda rin 'yung minsan e may kalokohan rin ang anak mo."
Nakaupo siya sa kama kaya kumandong ako sakanya, "Kung ganon, simulant na nating gumawa ng kapatid niya, siguradong nag-aabang na siya ng kapatid dahil sa sinabi mo." Kinuha ko 'yung kamay niyaat ipinatong sa tiyan ko, "Lamnan na uli natin 'to, baby girl naman gusto ko."
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
RomanceWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...