Chapter Nine

44.2K 557 14
                                    

NAGISING ako na nakayakap sa akin si Clint, gusto kong tuktukan ang sarili ko, dahil sa ginawa ko. Eto na naman ako sa ibabaw ng kama, hubad, katabi ang lalaking ito.

Kagabi ay paulit-ulit niya akong inangkin, at paulit-ulit naman akong nagpaangkin, hanggang kailan ba ako titigilan ng kabaliwan kong 'to. Kailan ba tatanim sa isip ko at hindi lalayas, na hindi nga pwede!

Ang kulit naman kasi ng hormones ko. Ayaw paawat. Tapos ano? Magbubunga na naman. Jusko! Tama na 'yung isang bunga.

Bumangon ako at ginising siya, "Bumalik ka na sa kwarto mo, bago ka pa abutan ni Stacey dito,"

Bumangon naman siya at nagbihis, pero bago siya umalis ay hinalikan muna niya ko. Ang clingy lang.

Inayos ko ang sarili ko at saka ako lumabas ng kwarto, may pag-uusapan daw kami ni Daddy e. kaya nagtungo ako sa library niya kung nasan siya palagi.

Kumatok ako bago pumasok, nakaupo lang siya doon, habang nakatingin sa mga kung anong papel sa harap niya. Tumikhim ako, tumingin naman siya sa akin at ngumiti, naupo naman ako sa upuan sa harap niya.

"Bakit po Dad?"

"Tutal naman at nandito ka na, balak ko muna sanang ikaw ang pumalit sa pwesto ni Clint pansamantala sa kumpanya."

Hanudaw? "B-bakit po ako? Anong alam ko sa kumpanya mo Dad?" saka bakit ko papalitan si Clint? Nag-resign na ba siya?

"Graduate ka ng business ad. Kaya alam kong may alam ka about sa business."

"Saan po ba pupunta si Clint at kailangan kong palitan?"

"Wala siyang pupuntahan hija, siya ang ipapalit ko bilang Presidente ng kumpanya Annie, napag-isip-isip ko na oras na para ako'y magretiro. Nakapagtapos naman na kayong magkakapatid, at habang wala pang nahahanap na Marketing Director, ikaw muna ang ilalagay ko,"

"Dad naman. Hindi ko kaya 'yun."

"Kaya mo 'yun, may tiwala ako sayo, bukas ka na magsisimula."

Sandoval Empire, Sandoval Construction Firm, and Sandoval Hotel and Resort. Si Sander na ang may hawak ng SCF, at na kay Stacey ang SHR. Ang Sandoval Empire kung saan nagmula at nakailalim ang lahat ay hawak ni Clint, at doon ako inilagay ni Dad as Marketing Director. Hindi naman ako umuwi ng pilipinas para magtrabaho sa Empire. Tss.

Matapos ang pag-uusap namin ni Dad ay umalis ako ng bahay at inayos ko kaagad ang mga dapat kong ayusin. Alam ko kasing hindi ko na magagawa 'yun pag nagsimula na akong magtrabaho sa Empire.

"I'M ON my way Stacey," ang kulit e, tawag ng tawag kitang nagmamaneho ako, papunta ako ngayon sa Empire, isang linggo na nga pala akong nagtatrabaho sa Empire, at sa pagtatrabaho ko roon ay isang linggo na rin akong hinahalay ni Clint sa loob ng opisina ko.

Mabuti na lang at natuto na ko. Nagpi-pills na ako para hindi na kami makabuo.

Mabuti na ang nag-iingat. Lalo na at mahina ako sa tukso.

Pagkarating na pagkarating ko sa Empire ay nagdire-diretso na ako agad sa opisina ko. Naks, di opisina pa ko.

Hindi ko naman na inabutan si Stacey at bumalik na sa trabaho niya.

Nababagot ako sa loob ng opisina ko sa twing hindi nagpupunta si Clint, si Clint lang kasi ang libangan ko, libangan na namin ang halayin ang isa't-isa.

Dahil wala siya ngayon, bagot na bagot ako. Wala rin naman akong maisip na design dahil kakatapos ko lang nang dalawa kagabi, wala rin naman akong gaanong trabaho, gusto lang ata ng ama ko na tumambay ako rito e, sana 'yun na lang sinabi niya.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon