Chapter Five

64.4K 740 30
                                    

BUKAS NA 'yung alis ko patungong Paris. Ang bilis no? Eto nga't dinadramahan na ko ni Stacey, si Sander naman puro pasalubong ang hanap. Hindi pa ko umaalis ng lagay na 'yan a.

"Ate Skype tayo lagi a," paalala sakin ni Stacey.

"Lagi talaga? Aba baka hindi ka na makapag-aral niyan?"

She pouted, "Ate naman,"

"Saka bawal ang boyfriend," paalala ko naman sakanya, tinutulungan niya kasi ako mag-empake.

Bigla namang pumasok si Tita Stela sa kwarto ko, "Annie, binasa ko 'yung requirements mo, may mga kulang ka pa," lumapit naman ako kay Tita Stela at tiningnan iyong kulang ko, "Sabi dito, summarize your interests and ambitions and how you hope that these will be developed at PAA, may nagawa ka na bang ganito? Hindi ko makita dun sa mga requirements mo,"

"Yes Tita, may Letter of Motivation na ko," si Tita parang mas kabado pa sakin.

"Mommy, kabado lang?" natatawang sambit ni Stacey.

"E, kasi naman baka kung kailan aalis saka lang maiisip 'yung mga kulang, maganda nang settled lahat. Baka mamroblema pa ate mo pagdating dun."

"Thank you po, Tita," pasasalamat ko kay Tita Stela, sincere 'yan ha.

"E, 'yung portfolio mo?" tanong pa ni Tita.

"Bukas po sa airport, dala ni Tita Helen, naiwan ko po kasi sa bahay nila 'yung mga gawa ko noon,"

"Ate, three years ka lang dun, di ba?" tanong ni Sander.

"Oo, why?"

"Mami-miss ka daw kasi niya Ate," Stacey grinned. Halatang binubwisit si Sander. Si Tita Stela naman ay nagpaalam na, at lumabas ng kwarto.

"Alam mo na ba mga gagawin mo dun? Kahit papano may idea kana?" sagot ni Sander at hindi na pinansin ang pang-aasar ni Stacey.

"Sa pagkakabasa ko dun sa website ng PAA, sa unang taon 'yung aim niya is to help the student understand the process of fashion design through extensive research, documentation, and museum visits and projects."

"Wow Ate, may museum visits pa."

"Yea, sa second and third year naman, dun na ata 'yung students will design their own collection from project development to the last conceptual phase, then finally to the actual production of samples." Paliwanag ko sakanila.

"Mukhang maganda nga sa school na 'yan Ate," tumatango-tangong sabi ni Sander.

"Ate, pag fashion designer kana, ikaw gagawa ng damit ko a."

"Mahal ang singil ko Stacey, kaya dapat may pang-bayad ka."

Bigla namang tumawa si Sander, "Wala namang pera 'yan. Walang maipangbabayad sayo Ate, kaya wag mo igagawa 'yan."

"Anong wala! Ade mag tatrabaho ako, pag-uwi ni Ate dito, may work na ko! Kaya ko na siyang bayaran." Nakangusong sabi ni Stacey.

"O siya, siya, sige, tapos na tayo mag empake, tara na sa baba."

At hinila ko na sila palabas ng kwarto, hindi na naman kasi titigil'tong dalawang 'to sa asaran e.

Nag-ayang mag-bike si Stacey kaya eto kami ngayon nagba-bike sa buong village, buti at kahit maaraw ay hindi masakit sa balat, sabagay magha-hapon na rin naman na kasi.

Tigi-tigisa kami ng gamit na bike, nauuna samin si Sander na kung ano-ano ang ginagawa, andyan ang magliko-liko, umikot ng umikot. Si Stacey steady lang dahan-dahan nagpipedal.

Ako din steady lang, ang sarap kasi sa balat nung dampi ng hangin, hindi malamig, hindi mainit, nakakapresko, nakakagaan ng pakiramdam.

'Yung para bang lahat ng worries mo, natatangay. Nakakaginhawa.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon