BUSY AKO SA pag-sketch ng bago kong design ng biglang pumasok sa opisina ko si Clint.
"Lunch?" tumayo siya sa gilid ko at tiningnan kung ano 'yung ginagawa ko.
Tumingin ako sa oras, pasado alas dose na nga. Oras na para kumain.
Iniligpit ko ang mga gamit ko, saka ako tumayo sa kinauupuan ko.
"San mo gusto mag-lunch?" tanong niya sakin habang palabas na kami ng opisina ko.
"McDo." Sagot ko, feeling ko lang mag McDo ngayon.
"Okay."
Sumakay na kami ng sasakyan niya at nagpunta sa McDo.
"Anong gusto mo? Ako na oorder." Tanong niya sa akin.
"Tatlong rice, dalawang chicken, and burger. Pineapple 'yung drinks ko. Large."
Bigla naman siyang napatingin sakin, "Three rice?"
"O bakit? Bawal kumain? Gutom ako." Inirapan ko nga. Pakialamanan daw ba pagkain ko.
"Kaya ang taba mo e, lakas mo kumain."
"FYI, hindi ako mataba." Kasalanan mo ba't lumobo ko, magtanim daw ba sakin ng binhi niya. Sabi ko na lang sa isip ko.
Tatawa-tawa lang ang loko sa sinabi ko. Kung hindi lang 'to nagmamaneho kanina ko pa 'to nabatukan. Kabwisit.
Pagkarating na pagkarating namin ay humanap ako agad ng pwesto, siya naman ay umorder na, mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao kahit tanghali na.
Matapos umorder ay naupo na siya sa upuan sa harap ko.
"Annie,"
"Hmmm?"
"Let's talk."
"Talk."
He sighed, hindi mo ko makakausap ng matino kaya 'wag ka na magsalita. Gusto ko sanang sabihin pero pinili ko na lang manahimik.
"Let's talk about us."
Napatingin ako sa kanya, ano raw? Us? Kailan pa nagkaroon ng us? Napataas 'yung kilay ko, "There's no us, so, there's nothing to talk about."
"Hanggang kailan ka ba mag mamatigas?" is he already loosing his patience? Wow.
Ikaw lang naman ang tinitigasan, hindi ako. "Hindi ako nagmamatigas. Wala naman talagang US."
"Wala? Pero paulit-ulit na may nangyayari sa atin, paulit-ulit na bumibigay ka sakin. Wala talaga?"
"'Wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay na nangyari noon, hindi na mauulit 'yun, dinadaan mo kasi ako sa biglaan e,"
"Kailangan ko bang dahan-dahanin?" is he trying to seduce me here? O for cheese cake sake!
"Wala kang kailangang gawin. And nga pala, pwede pakidalian ang paghahanap ng bagong Marketing Director, dahil babalik na ako ng Paris. I have a life there, you know. Hindi ako pwedeng magtagal rito."
Dumating na 'yung order namin kaya nagsimula na ko sa pagkain, pero siya patuloy pa rin sa pagsasalita habang inaalisan ng balot 'yung rice niya.
"Bakit ka pa babalik don? Manatili ka na lang dito. Kung trabaho ang babalikan mo don, bakit hindi na lang dito?"
May anak ako roon, kaya kailangan kong bumalik. "Maganda ron, malamig, mainit rito kaya gusto ko bumalik dun."
Natawa siya, "Ano ba namang excuse 'yan, wala ka na ba maisip?"
"Hindi excuse 'yun no. Mainit talaga dito."
"O baka iniiwasan mo lang ako."
"Matagal na kitang iniiwasan, ngayon mo lang nahalata?" sarkastikong sabi ko sabay subo ng chicken.
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
RomanceWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...