PINANGAKO KO NOON, kung magkakaroon man ako ng sarili kong pamilya ay hindi ko hahayaang matulad sa akin ang magiging anak ko, palalakihin ko ang anak ko sa isang kumpletong pamilya, hindi man perpekto pero masaya at kumpleto naman.
Pero nang maipanganak ko si Cloud, 'yung pangako kong iyon nakalimutan ko. Hindi ko kasi alam anong gagawin ko para magkaroon ng kumpletong pamilya si Cloud, paano ko sasabihin sa anak kong kapatid ko ang ama niya? Hindi ko maibibigay kay Cloud ang kumpletong pamilya na nais ko para sa kanya, dahil hindi ko kayang ipaglaban 'yung nararamdaman ko.
Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang wala namang problema sa anak ko kung kapatid ko man ang ama niya, hindi pa naman niya maiintidihan kung ano ang mali sa ganoong bagay dahil bata pa siya. Pero ang ikinatatakot ko ay paglumaki na siya at baka hindi niya matanggap.
Natatakot ako sa maaaring mangyari, ipinapanalangin ko na lang na sana ay maintindihan niya ang bagay na iyon, matalino naman siyang bata.
Nakikita kong mas masaya ang anak ko ngayon na kasama na niya ang ama niya. Sobrang sabik na sabik siya sa ama.
Sinabi ko na rin kila Daddy ang lahat, at nagulat ako ng sabihin nilang tanggap naman nila. Naiintidihan naman daw nila. Hindi sila galit sa akin, at masaya pa nga sila dahil may apo na sila. Nakakagulat lang dahil iba sa naiisip ko ang reaksyon nila.
Bakit ang bilis-bilis nilang tanggapin ang ganoong bagay.
Wala ba silang pakialam sa sasabihin ng ibang tao?
Siguro wala, kasi tanggap naman nila e.
Ako nga pala yata ang mali ng iniisip. Maaari nga pala nilang tanggapin ang kung anong meron sa amin ni Clint.
Hinayaan ko pang umabot sa ganito.
"BABY, PAHINGA na ikaw, kanina ka pa naglalaro, amoy pawis kana, baho na," kanina pa naglalaro rito sa garden 'yung anak ko. Binilan kasi siya ng maraming toy car ni Clint kaya ayan pinaglalaruan niya lahat, sabay-sabay.
"Ayaw pa, My. Laro pa ko."
Nakangiting pinanood ko lang siya sa paglalaro niya.
Aaminin ko nung umamin ako sa kanilang lahat, gumaan 'yung pakiramdam ko, parang naging madali ang lahat sa aming mag-ina.
Sana lang magtuloy-tuloy na ang ganito, dahil gusto ko na rin sumaya.
"Ma'am may bisita po kayo," sabi nung isang maid.
Nakita ko na kasunod niya si Kristoff. "Kristoff," lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi, I've heard, okay na ang lahat? Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw, may inasikaso kasi ako," nakangiting sabi niya sa akin.
"Ano ka ba, okay lang 'yun, hindi mo naman kami obligasyon na dalawin araw-araw."
Lumipat ang tingin niya sa anak ko na naglalaro. "Mabuti naman at masaya na kayong mag-ina."
Nginitian ko lang siya.
Nag-uusap pa kami ng biglang lumapit sakin si Cloud at hinila ako patayo, "Mommy pasok na tayo sa loob,"
"Akala ko ba ayaw mo pa?" nagtatakang tanong ko sa anak ko.
Tumingin siya kay Kristoff, kaya alam ko na kaagad kung bakit siya nag-aaya sa loob.
"Nag-uusap pa kami ni Tito Kristoff mo, laro ka muna dyan,"
"Ayaw ko. 'Wag mo siya kausapin," hinihila pa rin niya ako papasok sa loob ng bahay.
Nakasunod naman sa amin si Kristoff na tatawa-tawa lang.
"'Wag ka sunod! Bawal ka dito," binitawan ako ng anak ko saka pinigilan sa pagsunod si Kristoff.
BINABASA MO ANG
Sleeping with my Half-Brother
RomanceWARNING: Some contents are not suitable for young readers. Lumaking walang ama si Annie, ngunit bigla na lang may dumating sa bahay nilang nagsasabing siya ang kanyang tunay na ama. Sumama siya sa tunay niyang ama sa kadahilanang matagal siyang nang...