Chapter Thirteen

36.6K 591 10
                                    

Clint's POV

ILANG ARAW ko na ring hindi pinapansin si Annie, mukhang ayos lang sa kanya. Mukhang 'yun nga 'yung gusto niya e. Sabagay, ako lang naman 'yung nagmamahal sa aming dalawa.

Masyado ko lang pinaasa 'yung sarili ko sa bagay na hindi naman mangyayari. Akala ko kasi maaari, hindi pala talaga.

Papunta na ako sa kwarto ko ng bumukas 'yung pinto ng kwarto ni Annie, binagalan ko ang paglalakad ko at inabangan ko siyang lumabas, pero walang Annie na lumalabas.

Isang batang lalaki 'yung nakita kong lumabas ng kwarto niya. Sino naman 'to?

Nakatitig lang sakin 'yung bata at ganoon rin, nakatitig lang ako sakanya.

"Sino ka po?" tanong nung bata. Halata sa pananalita nung bata na hindi siya lumaki rito sa pilipinas, kahit na matatas siya managalog.

"I'm Clint, ikaw?" lumuhod ako para magkapantay kami.

"Ikaw po ba 'yung Kuya ng Mommy ko?" Mommy niya? Kuya ako? Sino? Si Stacey? Imposible ata 'yun. 'Wag niyong sabihing si Annie ang ina ng batang 'to?

"Sino ba ang Mommy mo?"

"Annie Sandoval po ang name ng mommy ko."

Parang huminto 'yung pag-ikot ng mundo ko sa pagkumpirma ng batang ito sa iniisip ko. Kung si Annie ang ina niya, malamang ako ang ama niya.

Walang kahit anong sinabi si Annie na naging boyfriend niya sa Paris, wala sinasabi sa akin si Stacey, kaya malamang na ako ang ama ng batang 'to.

Wala akong makitang pagkakahawig naming dalawa nung bata dahil mas hawig niya si Annie, pero sigurado ako, ako ang ama niya.

Hinawakan ko sa pisngi ang bata at marahang hinaplos. May nararamdaman akong kakaiba, 'yun ba 'yung tinatawag nilang lukso ng dugo?

Kung ako man ang ama ng batang ito, hindi ko hahayaang hindi niya ako makikilala bilang ama niya.

"Anong name mo?" tanong ko sa kanya.

"Cloud Daniel Sandoval po."

"Saan ba ang punta mo? Gabi na lumabas ka pa ng kwarto niyo,"

"Nauuhaw po ako, e si Mommy natutulog, ayaw ko siya magising kasi nag-cry siya kanina." Nilagay niya sa labi niya 'yung hintuturo niya, "Sshhh. Quiet ka lang po a, 'wag mo sabihin Mommy ko na nakita ko siya nag-cry. Ayaw niya nakikita ko siya nagka-cry kasi masa-sad siya."

Tumango ako bilang sagot, "Quiet lang ako." Sinamahan ko siyang uminom hanggang sa pumasok siya muli sa kwarto ni Annie.

Nakatitig lang ako sa nakasaradong pinto ngkwarto ni Annie. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, sigurado ako, ako angama ni Cloud. Pero bakit kailangan pang itago ni Annie sa loob ng Apat na taon.Akala ko kaya siya hindi umuuwi ay dahil ayaw niya akong makita, nun pala aymay bata na siyang itinatago sa akin.

Nakadama ako ng munting galit sa puso ko. May anak na pala ko, hindi ko man lang nalaman.

Ipinanganak 'yung anak ko na wala ako sa tabi niya.

Ni hindi ko nakita nung natutong maglakad ang anak ko. Hindi ko narinig ang unang salita na lumabas sa bibig niya. At hindi ko man lang siya nakarga nung baby pa lang siya.

Wala kaming memories nung baby pa lang sya.

At hindi ko na hahayaang madagdagan ang bawat taong walang memories sa akin ang anak ko. Alam ko ang pakiramdam ng walang ala-ala ng tunay mong magulang. At hindi ko hahayaang maramdaman ng anak ko iyon.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga.

MAAGANG KUMATOK sa pinto ng kwarto ko si Sander at kinuha si Cloud dahil gusto raw niyang laruin ang pamangkin niya, kaya hinayaan kong isama niya sa labas ng bahay si Cloud.

Sleeping with my Half-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon