CHAPTER TEN (PART ONE) ~ CAUGHT IN THE ACT!

915 10 4
                                    

CHAPTER TEN (PART ONE) ~ CAUGHT IN THE ACT

FALLON’S POV:

 

“Bye Fallon! Bye Mister Lee …” pagpapaalam ni Xyla

“Ms. Fallon ikaw na muna bahala diyan kay Bossing aah!” paghahabilin naman ni Karl. Akala mo naman baby pa ‘tong amo niya. Hahahahaha

Nakatayo kami ngayon sa may front porch ng bahay ko. At iniintay na makaalis ang dalawang love birds na magdedate.

“Alam mo na naman siguro kung saan nakalagay ang mga kailangan mo sa kusina di ba?” may concern na tanong ni Xyla sakin.

“Of course dear! Don’t worry I can handle this. You know me. I know everything I needed to learn and what’s the use of to go’s?” I said proudly so I can assure he concerned a$$.

“Fallon! Teka magluluto na muna ko bago kami umalis initin mo na lang pag nagutom ka.” Sabi ni Xyla ang kulit talaga nito oh!

 Ayaw niya kasi na may to-go’s akong kinakain pag nasa bahay at kanina pa siya nag-iinsist na magluto na ng pagkain para iinitin ko na lang daw mamaya pero sabi ko wag na kasi natataranta na siya sa date nila at kayak o nga siya binigyan ng day-off di ba?!

“Don’t mind me and I won’t do take outs if that’s what you want Xyla … Matahimik ka lang … please just go and enjoy!” I shooed her para naman mag-enjoy na siya ng todo.

“Hoy Karl hilain mo na nga tong Girlfriend mo at humayo na kayo!” sabi ko kay Karl.

“Sure ka okay ka lang dito?Huwag kang kumain ng take out Fallon please maraming grease yun!” ang kulit talaga ng lahi nitong si Xyla.

“Oo na. I promised na nga kanina di ba? Paulit-ulit?! Wag mo na kong initindihin Xyla I’m twenty years old for Pete’s sake! Tsaka pwede ba wag kang umaktong nanay sakin baka gustong mag-asawa na!” pabiro kong pagmamaldita sakanya at napangiti naman siya.

“Sir aalis na kami wag mong pasakitin ang ulo ni Ms. Fallon ah!” paghahabilin naman ni Karl kay Pierre na nakatayo katabi ko.

“K.” tipid na sagot niya. Tss. Whatever talaga ‘tong lalaking ‘to.

“Sige na go now guys!” sabi ko naman. Hahahaha ansama ko inagtatabuyan ko na sila.

“Oh sige na aalis na kami. Ingat kayo dito aah. Kita na lang tayo mamaya.” Pagpapaalam ni Xyla at pinagbuksan na siya ni Karl ng pinto ng kotse niya na bigay ko okay Xyla last birthday niya.

“Go along now dear! Have fun! Take care. I’ll be fine.” I said then waved at her.

“Sige po mauna na kami.” Sabi naman ni Karl pagkasara niya ng pinto ng passenger seat ng kotse ni Xyla tinanguan ko lang siya saka siya umikot para makasakay sa driver’s seat.

I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon