CHAPTER ELEVEN ~ LET ME MAKE IT UP TO YOU ...
KWEENY'S POV:
Dahil sa semi - porn?! Hahahaha de joke langs. Okay eto na talaga ... *ehem*ehem ... Maestro ... Hahahahaha ... LOLS! Game na talaga 'to ... This is it pansit! :D
Dahil nga sa 'MILAGRO' - DAW ayon kay Bossing Pierre, na kanyang nasaksihan ay hindi siya lumabas ng kwarto niya. Dahil nga nakaramdam siya ng isang super ka duper AWKWARD atmosphere kanina sa pagitan nila ni Fallon at dahil na rin sa hindi niya alam kung paano haharapin si Fallon ehh inaysolate nya ang sarili niya. In short nagkulong siya maghapon sa loob ng kwarto niya.
At pangalawa sa listahan ay hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng mga kakaibang feelings. Mga feelings na hindi niya dapat naradaman. Nabigla siya -- oo at aminado siya doon ng madatnan niya sila. Pero ang iniisip niya normal lang yun kay Fallon kasi nga di ba para sakanya isang HEARTBREAKER si Fallon isang Cassanova kumbaga.
Pero ang kinabahala niya at ikinataka niya ay ang pagkaramdam niya ng INIS at SELOS ng makita niyang may kasamang iba si Fallon at may ka - chu-chuan pa silang ginagawa. Para bang sa mga oras na yun ay gusto niya ng patayin yung lalaking kasama ni Fallon. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya. Pero ano nga naman ba ang karapatan niya? Sino nga ba siya sa buhay ni Fallon para maramdaman ang mga bagay na yun? Wala naman siyang concern doon di ba?
Pero nakalimutan ata ni PIerre na ang selos ay isang pakiramadam at hindi karapatan. Pero magseselos ka lang naman kung may gusto ka sa isang tao di ba? At ayun ang naglalaro sa isipan niya. Hindi niya matanggap at pilit niyang itinatanggi na may gusto siya kay Fallon.
Kaya ba siya nagagalit rito simula pa lang? Dahil sa selos na noon niya pa kinikimkim? Na para bang gusto niya ng awayin lahat ng lalaking kasama ni Fallon. Pero hindi. Sinasabi niya pa rin sa sarili niya na digusto lang ang nararamdaman niya kay Fallon. Ayaw niya lang talaga dito.
Kaya naman para matigil na siya sa sinasabi niyang kahibangan o ang pag- iisip kay Fallon at mga kaugnay na bagay. Naisip niyang iwasn muna si Fallon buong araw. Kaya niya nilock ang sarili niya sa kwarto. Isa pa he kept himself busy para maiwasan niya ding isipin ang mga unknown feelings niya. Mabuti na alang dinala niya ang mga files niya sa trabaho na hindi niya pa natatapos.
***
Ginawa niya iyon lahat. Hindi niya namanlayan sa sobrang pagka-busy niya ay inabot na pala siya ng gabi. Mabuti na lang at matatapos na siya sa ginagawa niya. Pero nakaramdam siya ng gutom kaya naman naisipan niya ng bumaba para kumuha ng pagkain.
Pero bigla naman niyang naisip na baka nadoon ang taong iniwasan niya buong araw. Nagdadalwang - isip tuloy siya kung tutuloy pa siya sa baba. Pero nagugutom na talaga siya at huli niyang kain ay noong agahan pa lang.
BINABASA MO ANG
I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]
Ficción GeneralCover Photo Credit @Pinterest Naranasan mo na bang ma-in love? Maraming beses na o hindi pa? Paano kung ma-in love ka sa taong kinamumuhian mo? What would you do? Kakainin mo ba lahat ng masasamang sinabi mo tungkol sa kanya? O itatago at ibabaon...