CHAPTER TWO~ HOUSE :)

1.6K 19 1
                                    

CHAPTER TWO~ HOUSE :)

PIERRE'S POV:

 

Nakarating na kami sa bahay nung girlfriend ni Karl sorry guys di ko pa rin kasi alam hanggang ngayon ang pangalan niya di man lang kasi ipakilala ni Karl di ba? (_ _")a *face palm*

Pero anyways maganda yung bahay nila modern yung style tapos 3-story.May garden din na may fish pond at eleganteng bridge sa taas nun tapos may gazebo dun sa may garden kung saan napakaraming nakatanim na roses with different sorts of colors tsaka peonies, daisies and tulips.May malaking puno din sa may gitna nung meadow malapit sa garden na pwedeng pag piknikan.Sa kabilang side naman nandoon ang infinity pool nila at parang may ala-Niagra Waterfalls doon at matatanaw mo ang dagat.

"Pasok kayo." pagdidistract sa reverie ko nung girlfriend ni Karl pagkatapos niyang mabuksan ang front door ng bahay.

Pagpasok sa loob mukha talagang mayaman ang may-ari kasi mapapansin na puro mamahalin ang mga muebles pati mga ginamit na materyales para maitayo ang bahay na ito magaganda din sabi nga "Finest in it's class".

Nasa may living room kami ng bahay at pinaupo kami ng Girlfriend ni Karl yeah… Whatever her name is…

"Uhhh---Miss?" nagaalinlangan kong tawag sakanya

"Xyla na lang po Sir Pierre.." nahihiyang sabi niya sakin…

"Sa'yo ba tong bahay?" I asked.Nacurious kasi ako.Ganito kayaman ang Girlfriend ni Karl pero sabi ni Karl sakin P.A. daw ng isang sikat na model ang trabaho nito.Hmmm-- magkano kaya sweldo niya?Mag-P.A na lang din kaya ko? XD joke lang…

"Naku! Hindi po! Sa Boss ko po ito pero dito po kami nakatira pareho." sagot niya sa tanong ko.Aah ganun pala.Hahahahaha bigtime pala yung Boss niya eeh.

"Hindi ba yun magagalit na nandito kami?" pagtatanong ko ulit.

"Naku!Hindi po ipinaalam ko naman po sakanya tsaka bihira naman po siyang magstay dito kasi minsan dun siya sa apartment niya umuuwi.Kaya wag na po kayong mag-alala tsaka mabait naman po yun." pag-aasure niya sakin at ngumiti siya kaya tumango na lang ako

Kung nagtataka kayo kung bakit kami magstay o makikitira muna dito for two weeks kahit na afford ko namang maghotel ay dahil lang naman dito kay Karl gusto niya daw kasi na makasama ang Girlfriend niya…di ba naman?Napaka-sefish ko naman kung hindi ko siya pagbibigyan samantalang napakahirap ng sitwasyon nila long distance relationship for God knows how long.Tsaka nung nalaman ni Karl na pupunta ko ng London para magbakasyon nako wag na kalimutan niyo na lang na nabanggit ko ‘yun.Naaasar lang ako pag naaalala ko yun.Pinagbigyan ko na lang siya tutal masyado namang loyal si Karl sakin for the past years parang reward ko na sakanya tsaka isa pa baka sabihin niya napaka bitter ko kasi wala akong lovelife at siya meron.

"Nga pala sir meron pong apat na kwarto dito dalawa po dito sa baba at dalawa po sa taas, sa taas po yung kwarto niyo..." sabi ni Xyla sakin kaya tumango na lang ako.

"Alin dun yung kwarto ko?" pagtatanong ko

"Yung una pong pinto malapit sa hagdan..." sagot naman niya

"Aah ilalagay ko na doon yung gamit niyo Sir..." pagpapaalam naman ni Karl

"Oo nga.Para makapagpahinga na po kayo Sir alam ko napagod kayo sa biyahe sigurado jet lagged pa kayo…Ipaghahanda ko na po kayo ng makakain dun lang ako sa kusina kung kailangan niyo ko." sabi ni Xyla at pumunta na siya sa kusina

I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon