CHAPTER SIXTEEN - THE DEAL ...

841 12 2
                                    

CHAPTER SIXTEEN - THE DEAL ...  

PIERRE'S POV:

Nang mahimasmasan ako ay bumalik na ko doon. Akala ko ay umalis na siya doon pero nagulat na lang ako ng makita siya doon at prenteng nakaupo at kinakaen ang hinanda kong cake at juice kanina. Though buti naman at nakabihis na siya. 

Nakasuot na siya ng isang sleeveless cream na hanging blouse na manipis ang tela tsaka naka white siyang shorts na hanggang kalahati ng hita niya lang ang haba. Tapos naman naka messy bun ang buhok niya.  

Ayoko ng maulit yung kanina. Muntik ko ng makalimutan na dapat cold ako sakanya ngayon. Di ako dapat bumigay sakanya. I should resist her tsaka di dapat ako madala ng nararamdaman ko. Huminga muna ko ng malalim bago lumapit doon. 

Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya pa napapansin ang presenya ko.

Umupo na ko sa katabi niyang upuan at kunwari di ko siya napansin. Kinuha ko yung mga paper works ko tsaka sinimulang trabahuhin.

"Oh! Okay ka na ba?" nagulat ata siya na makita ulit ako kaya tumingin siya sakin tsaka ibinaba yung kutsara na ginagamit niya. Pero di ko siya pinansin tuloy lang ako sa ginagawa ko.

Kahit di ko siya tinitingnan nakikita ko siya sa peripheral vision ko kaya naman alam kong nakatingin siya sakin.

"Hmmm. Serious?" pagsasalita niya ulit. At deadma pa rin ako.

"Ano ba yang ginagawa mo?" pagtatanong na naman niya pero di ko pa rin siya pinapansin. 

"Hmmm. Ano ba yang ginagawa mo Pierre care to share naman!" pagtatanong niya ulit.

Napansin ko naman ng buntong hininga siya tsaka tumayo. Mukhang aalis na ata siya. Mabuti naman. Pero di ko pa rin siya tinitingnan. 

"Ano ba yan! Ang boring naman ng ginagawa mo!" nagulat ako ng mapansing magakatabi lang pala ang mga mukha namin at nasa likod ko siya at nakatayo. Kaya naman napalingon ako sakanya at nakangiti pa siya sakin pero mukhang wrong move kasi isang maling galaw lang magtatama ang mga labi namin kaya binawi ko ang tingin ko sakanya.

Naramdaman ko namang umupo siya sa isang upuan sa tabi ko. Alam niyo ngayon ko lang nalaman na parang bata pa umasta 'tong si Fallon.

"Balik na ata si Mr. Sungit, mukhang isang araw lang naglalast ang epekto ng aftershocks ng allergy. Tsk. Tsk." mahinang sabi niya tapos sumubo ulit siya ng cake niya. Kala niya naman di ko narinig. Tsk!

 "Uyyy  Pierre ... Pierre ... Yuhuuu!" pagtawag niya sakin at obviously nagpapacute siya. 

Alam niyo ang kulit niya di tuloy ako makapagconcentrate dito sa ginagawa ko kaya naman kunot noo akong tumingin sakanya with my ano-bang-kailangan-mo look ko. Painosente naman siyang tumingin sakin saka ngumiti at kumaway. *face palm*

Binawi ko agad ang tingin ko kaya naman nagfocus ako ulit sa ginagawa ko.

"Pierre ... Uyy ..." sabi niya tapos kinukulbit pa ko. Hay nako di ako matatapos dito sa ginagawa ko dahil kay Fallon. Kaya naman haharapin ko na nga to.

"What?" asar na tanong ko sakanya.

"Busy ka?" napa-face palm talaga ko sa sinabi niya. Tiningnan ko naman siya at ang cute niya. Bwiset lang! 

"Di ba obvious?" syempre kailangan ngang magsungit di ba?

"Hmmpf! Sungit." sabi niya tapos nagpout. Lalo tuloy siyang naging cute kaya naman kailanga kong pigilin ang sarili ko.

"Ano ba kasi yang kinabbusyhan mo ah?" pagtatanong niya na naman. Para siyag batang nagpapansin sa parents niya sa totoo lang. 

"I'm working." tipid na sabi ko. Tinuloy ko na ulit yung ginagawa ko kaya sadyang makulit ang babaeng 'to.

"Ano ba yan nagbabakasyon ka tapos nagtratrabaho ka pa din?" sabi niya na parang asar. 

"I have to." cold na sagot ko.

"Aishhhh! Ewan ko ba sa inyo. Masama bang magsaya naman kahit minsan?" tanong niya na naman. Pero di ko na siya sinagot at nagfocus ulit sa gnagawa ko. 

Pero nagulat na lang ako ng hinablot niya yung mga papel na hawak ko tapos hindi ko na alam ero nasa harap ko na siya at hawak niya na yung mukha ko at isang kamay ko. 

*DUG.DUG.DUG.DUG*

Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko at parang katulad ng kanina huminto na ata ang oras. At para kong nakuryente sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko din ang mga nagliliparang mga paru-paro sa tyan ko.

° ° ° 

FALLON'S POV:

Mablis akong nagbihis ng damit yayain ko si Pierre na gumala. Nabobore ako dito sa bahay tsaka wala naman akong ibang kasama kundi siya. 

Wala na sakin ang nakakatawang nangyari kanina. Sanay na naman ako doon. Hahahaha. Para nga daw akong chocolate may aphrodisiac.

Anyways bumalik ako sa pool area. Dahil nagugutom na ko kinaen ko na yung cake doon hahaha. Ang tagal naman ata ni Pierre. 

Nang dumating siya di ko man lang naramdaman. At parang di siya yung Pierre na nakasama ko kahapon.  Di niya kasi napapansin ang beauty ko. Iniisnob niya na naman. Hmpf!

Kaya naman kinulit ko siya at nagpacute pa ko. Kaso di umeepek kaya naman naasar na ko hinigit ko na mula sakanya yung mga papeles niya tsaka ko siya hinawakan sa mukha para tumingin sakin tsaka hinawakan ang isang kamay niya at yumukod sa may harap niya.

Pero mukhang wrong move ako. 

*DUG.DUG.DUG.DUG*

Kasi bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nakikipaghabulan sa mga kabayo tapos feeling ko namumula na ang mukha ko na parang hinog na kamatis tsaka parang nakaramdam din ako ng mga pag-ikot ng mga paru paro sa tyan ko at nakuryente ako sa pagdampi ng mga balat namin. Ano ba 'to? Weird!

Kaya naman binitawan ko siya at paeho kaming nag-ayos ng tingin. Pero nanatili akong nakatayo sa harap niya.

*Ehem!Ehem!* 

Ako yun. Pambasag lang sa awkwardness na meron sa pagitan namin.

"A-ano ba kasing problema mo?" asar na sabi niya.

"A-aah a-ano kasi samahan ko!" pasigaw kong sabi. Sh*t! Nagstutter pa ko. Kaynis! Ano bang nagyayari sakin?

"Bakit naman?" masungit niyang tanong.

"Eeh gusto ko." sabi ko naman.

"Busy ako." cold na sabi niya.

"Saglit ka na lang naman dito eeh. Why bother to do that? Magsaya ka naman!" asar na sabi ko sakanya.

"Ayoko." tipid na sagot niya. Mukhang mahihirapan ako dito pero I won't just give up.

Kaya huminga muna ko ng malalim. 

"Ganito na lang just ... Haist! Pagbigyan mo na lang ako dito just treat this as a favor." sabi ko saknya.

"Last time na pinagbigyan kita inallergy pa ko." sabi niya. Nakakainis naman 'to.

"Aish! Issue pa rin ba yan? Nagsorry naman ako tsaka malay ko ba! Just trust me on this." sabi ko sakanya.

Pero arang ayaw niya pa din nakatingin lang siya sakin.

"Okay fine, I won't bother you again after this. Pabigayan mo na kasi ako. Dali na. I swear di mo magagawa yang boring na ginagawa mo dahil kukulitin kita hanggang sa pumayag ka." pagbabanta ko sakanya.

Nagroll eyes naman siya. Tapos his lips are set into a hard line. 

"Fine. Matigil ka lang." asar na sagot niya.

"Yey! Its a deal then?" sabi ko. Wahahahaha sbi ko sainyo di niya ko matitiis hihihihi ang ganda ko kaya.

"Do I have a choice? Deal. asar na sabi niya. Ngumiti naman ako ng winner smile ko. 

---------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Mapurga kayo sa update hahahaha sige :D

SALAMAT SA SUPORTA! 

Laters! Lovelots ... 

~Kweeny XXX

I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon