CHAPTER FIFTEEN - SEDUCING PIERRE!

916 10 3
                                    

CHAPTER FIFTEEN - SEDUCING PIERRE!

PIERRE'S POV:

Kakagising ko lang at ngayon kailangan kong gawin ang desisyon kong iwasan o maging cold kay Fallon kahit alam kong medyo mahirap na yun sa part ko. 

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko't maghilamos ay dumiretso na ko sa baba para kumain ng breakfast. Alam kong medyo imposible na iwasan si Fallon sa ganitong oras dahil  sabay sabay kaming kumain ng almusal kaya magiging mailap na lang muna ko sa kanya ngayon. 

Pero nakakapagtaka dahil wala ng tao sahapag ng bumaba ako at sobrang tahimik ng bahay. Nasaan kaya sila? Pero napansin ko naman ang nakahandang kainan pero para sa isang tao lang. Nauna na siguro silang magsikain. Tsk. Pero ayos na 'to at least di ako mahihirapan umiwas kay Fallon. 

Nagsimula na kong kumain. Wala na rin naman akong magagawa. Pagkatapos nun ay iniligpit ko na din at dumiretso ko sa kwarto ko naisip ko kasing tapusin na ang mga paper works kong natitira pa. Pero napagtanto ko na parang mas maganda kung sa may pool side ako magtratrabaho kaya naman kinuha ko lang ang mga gamit ko at bumaba na.

Pagdating ko doon pinagmasdan ko muna ang ganda ng lugar katabi lang kasi ng infinity pool yng garden kaya naman presko at nakakarelax sa lugar napaka- peaceful pa. 

Dahil sa relaxing ang ambience hindi nakakastress gumawa ng paperworks dito. Summer ngayon sa London kaya naman hindi ganoon kalamig ang temperatura. Pero ang summer breeze ay talaga namang presko sa pakiramdam at masarap damhin, medyo cool din siya. Tsaka nakakatuwang pagmasadan yung infinity pool dito sa bahay ni Fallon para kasing karugtong ng dagat kapag ka tiningnan mo. 

Inilapag ko na ang mga gamit ko sa glass outdoor table na meron dito sa may malapit sa pool. Uupo sana ko ng maispan kong kumuha ng merienda kung sakasakaling magutom man ako mamaya. Kaya bumalik ako ulit sa loob ng bahay. Wala naman kasi akong pwedeng utusang kumuha dahil parang wala naman akong kasama dito sa bahay.

---------

Pagkabalik ko doon sa may pool area ay inilapag ko a din ang tray na dala dala ko. Uupo na sana ko ng may mahagip ang mga mata ko. 

Si Fallon ...

Akala ko mag-isa lang ako dito ...

Parang nag-slow motion bigla ang oras at pangyayari at napukaw lang ang atensyon ko sakanya. 

Paahon kasi siya ng pool di ko naman alam na nandito pala siya at parang sa mga pelikula lang bumabagal ang oras habang kakatapos lang ng magandang bidang babae sa pagswiswimming sa pool.

Nakaharap pa naman siya sakin dahil nandito sa tapat ko yung pinakamamababaw na part ng pool at may hagdan na paakyat para makaalis. Yung pool kasi ay malalim sa dulo hanggang sa pababaw ng pababaw na hanggang tuhod na lang pagka papunta dito sa gawi ko.

[ A/N: Pakiplay na lang ang yung Youtube video sa gilid --------> para naman mafeel niyo ang mga sumusunod na MAINIT na eksena hahahaha. HOOOOO! LOLS! XD ]

I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon