NAGISING si Zianna pasado alas 3 ng umaga. Nang di siya maka tulog ulit ay napag pasyahan niyang lumabas at pumunta sa seven eleven na medyo may kalayuan mula sa kanyang Bahay.
Nag hilamos at nag toothbrush muna ito at kumuha ng Dark—pink hoodie saka isang black ankle boots. Nag suot rin siya ng isang pink na mask. Short at boots niya lang ata ang kulay itim na suot niya. Ginawa niyang pony tail ang kanyang buhok and then charan! Tapos na!
Labas na labas ang kaputian niya dahil sa kulay ng damit na kanyang suot. Gorgeous.
Kumuha muna siya ng pera bago lumabas. Nang maka labas siya ng gate ay napag pasiyahan niyang mag lakad nalang kaysa gumamit ng sasakyan, dala exercise narin.
Kahit naka jacket ay randam na randam niya ang lamig ng hangin at dahil narin sa maikling suot niyang short. Ngunit di niya ininda ang lamig at nag patuloy lang sa pag lakad.
20 minutes. 20 minutes bago siya naka rating sa pisteng seven eleven. Bumili lamang siya ng Junk foods at iba pang pagkain saka lumabas at tinahak ang daan pabalik sa bahay niya habang kumakain at uminom ng milk tea. Malamig pero nag milk tea, that's Zianna.
Habang nag lakad ito ay may napansin siyang kotse sa unahan—dalawang kotse. At sa tabi ay may mga lalaki doon na may parang pinalibutan sila.
Nag tago siya sa isang sulok na medyo may hindi kalayuan mula sa mga kalalakihan at pinag masdan kung anong ginagawa ng mga ito. May nakita siyang lalaki na naka handusay sa simento habang sinisipa at pinag tawanan ito ng mga kalalakihan.
Ayaw niya sanang maki-alam pero nang makilala kung sino ang naka handusay sa simento ay agad niyang sinuot ang kanyang face mask at nilagay muna sa tabi ang pinamili niya saka lumapit sa mga kalalakihan.
"Ehemm!" Agaw pansin niya sa mga ito. Nag tagumpay naman siya dahil lumingon sa kanya ang mga ito pati na rin ang lalaking binugbog nila. It's Mr. Forbes Di niya masyadong maaninag ang itsura nito dahil medyo madilim kaya tinuon niya nalang ang attention sa mga aso—mga lalaking bumugbog kay Mr. Forbes.
"Wow! May grasya! Mukang masarap to ah, makinis at maputi pa." Nandilim ang paningin niya dahil sa mga sinabi ng isang lalaki at ang manyak pa kung maka tingin habang dahan-dahan siyang Pinalibutan. Ngunit nanatili lamang siyang kalma at ini-obserbahan Ang mga galaw ng mga ito.
Aksyon hahawakan siya ng isang lalaki pero agad niya itong inunahan at sinipa sa gitna nitong bahagi kaya't namimilipit ito sa sakit habang hawak hawak ang maliit niya 'etits'.
"Aba't! W-walang hiya ka ah! Sino kaba?! Umalis kana kung hindi p-papatayin kita." Kinabahang banta ng isang lalaki pero pinilit nitong itago ang kaba at sa tansya niya ay ito ang leader nila. Hindi siya nag salita at agad ito sinipa sa muka at sa gitnang bahagi din nito ganon din ang ginawa niya sa ibang kasamahan nito.
Isa nalang ang naiwan at may hawak itong dagger. Tinapon nito ang dagger sa kanya pero mabilis lamang niya itong sinalo at tinapun pabalik sa lalaki. Sa paa niya lang pinatama ang dagger at nilapitan niya ito at sinipa sa muka. Ayon tulog sila lahat.
Nilapitan niya si Mr. Forbes na ngayon ay naka tingin lang sa kanya habang naka upo at naka sandal sa sasakyan. Walang salitang lumapit siya rito at inalalayan itong tumayo. Di niya masyadong naaninag ang muka nito dahil medyo madilim pa.
"Saan ang sasakyan mo?"
"And who are you?" Tanong ni Mr. Forbes imbis na sagutin ang tanong ng dalaga.
"SAAN ANG SASAKYAN MO?!" Naiinis na sigaw ng dalaga rito. Tinuro ni Mr. Forbes—Leighton ang isang kulay itim na Ferrari car. Yaman ah.
Pinasakay niya sa passenger seat ang lalaki saka siya sumakay sa driver seat. Walang pasabing pinaandar at walang sabing pinaharot iyon.
YOU ARE READING
That Property Is Mine|COMPLETED|
RomanceCredits to Kuya Neil Gonzales for the book cover. Thank you so much kuya!!! ADDICTED over Zianna Fire madril's lips is not good for Leighton Alejandrie Forbes health. Pilit man niyang iwaksi sa isipan ang malambot at matamis na labi ng dalaga at it...