Chapter 23

1K 22 0
                                    

ILANG buwan ang nakalipas at ito na nga ang araw na pinaka hihintay niya. Their wedding day.

"Ikakasal na ang baby namin."Naiiyak na sambit ng kanyang ina habang naka tingin sa kanya na mini-make upan.

"Mom... Thank you po. Thank you for everything. Thank you sa inyong dalawa ni dad. I'm so lucky to have the both of you."Hinawakan niya ang kamay ng ina at niyakap ito.

Napa bitaw sila sa isa't isa ng may biglang kumatok kaya agad iyong binuksan ng kanyang ina at bumungad sa kanya ang driver ng sasakyan na gagamitin niya papunta sa simbahan.

"Ma'am, limang minuto nalang at aalis na tayo."

Tumango lang siya at pasempleng kinilitis ang lalaki at nakita niyang naka hawak ito sa doorknob.

"Mauna na kami baby. I love you."

"I love you too mom."

Umalis na ang kanyang ina. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng kanyang kwarto at nag lakad palabas.

Pasimple niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaibigang si Vella at Afera.

"Bantayan nyo ang sasakyan ni Leighton. Gumalaw na sila. Siguraduin nyong mahuli nyo sila. Ako na ang bahala sa isa."Kaagad sa wika niya at pinatay ang tawag.

Nag vibrate ang kanyang telepono hudyat na may nag text kaya tiningnan niya iyon.

'Sege, si Scarlette ang pababantayin ko sa simbahan at kami bahala ni Era ang mag bantay kay Leighton.'

Text sa kanya ng kaibigang si Vella kaya napanatag siya.

Pumasok na siya ng sasakyan at ilang sandali pa ay nag simula nang mag drive ang driver.

Ilang minuto pa ang nag daan at aksyong liliko ang driver sa kabilang daan ng agad niya itong tinutukan ng baril.

"Anong gagawin mo?"Malamig at walang emosyon na tanong ni Zianna.

"Ano pa nga ba?"

Nainis siya dahil sa tinanong ng driver or Fake driver kamo. Inampas niya ito sa ulo ng baril."Mag drive ka papunta sa simbahan, kung hindi, maagang mamaalam ang pamilya mo."Banta niya sa lalaki at nanatili paring naka tutok rito ang baril.

Nakita niya kung paano namutla ang lalaki at kung paano nito sundin ang inutos niya.

Ayaw niyang dumamay ng iba lalo na't inosente ngunit kailangan.

"P-paano niya nalaman ang tungkol sa p-pamilya ko? Wag mo sila idamay!"

Pano niya nalaman? Pano nga ba?

May napansin kasi siya kanina sa lalaki nang mukatok ito at ng makita niyang naka hawak ang lalaki sa door knob ng pintuan niya. Noong umalis ang lalaki at kanyang ina ay agad niyang inixamine at kinuha ang fingerprint ng lalaki mula sa door knob ng pintuan gamit ang special detector device na inimbento ng camp or organization nila.

Ni research niya at hinanap ang kapareho ng fingerprint ng lalaki at doon niya nalaman ang pangalan nito. Humanap siya ng pain laban sa lalaki at ang tanging nakita lang niya ay ang pinaka mamahal nitong asawa't anak.

"Di na kailangan yon. Kung ayaw mong madamay ang anak at asawa mo, sundin mo ang sinabi ko."

ILANG sandali pa ay nakarating na sila sa simbahan. Hinampas niya ang batok ng lalaki upang makatulog ito at tinawagan ang kaibigang si Nilza faith, isang Police. Mapag katiwalaan niya ang kaibigan dahil alam niyang hindi ito gaya ng ibang mga kapulisan na parang walang paki-alam sa lipunan.

"Grabe, pati ba naman sa araw ng kasal nyo may gagambala?"Natatawang ani ng dalagang si Nilza faith.

Kinuha niya ang kanyang telepono nang tumunog iyon. Inirapan niya lang si Nilza faith at sinagot ang tawag.

That Property Is Mine|COMPLETED|Where stories live. Discover now