Chapter 19

924 28 0
                                    

MEDYO dilim na nang makarating kami sa palasyo o bahay ng mga Hacienterra at Forbes. Ngayon ko lang na realized na ang yaman nila, kahit pangalan at apilyedo nga eh ang expensive. Kung masama lang siguro akong tao na naka pasok dito baka nag nakaw na ako eh. Kahiya naman kasi sa sahig na sobrang kintab at ang mga designs ay di mawawala ang ruby, amethyst stones at kung ano-ano pamang diyamante.

"Good evening." Malumanay na sabi ng isang ginang.

"Good evening too aunt."Bati ni Leighton pabalik. Oh? This is her aunt. Ngayon ko lang nalaman kasi di ko sila naka usap kanina dahil namamasyal kami ni Leighton sa loob ng bahay at naka tulog din ako.

"Good evening po." Magalang kong sabi at bahagya pang yumuko.

Mahina naman siyang natawa dahil sa ginawa ko. "Good evening too ija. I guess you're a half Japanese and?..."

"Half spanish—filipino po." Nakangiti kong sabi, magaan ang loob ko sa kanya dahil ang aliwalas ng awra niya at approachable din siya. Well, halos lahat naman sila eh pero may ilan talaga na pag di mo kilala ang ugali masasabi mo talaga na masungit sila.

"The dinner is ready at nag hihintay na sila sa dinning room, so let's go?" Pag iba niya sa usapan at nag lakad papunta sa dinning room nila kaya sumunod nalang din kami ni Leighton kahit na ramdam ko na busog ako sa dami kong nakain na prutas kanina pero kahiya naman tumangi sa kanila.

Pagpasok namin doon ay para akong ignorante na naka tingin sa loob ng dinning room. Ang lawak at laki. Ang lamesa ay napaka haba at gawa sa transparent na salamin at sa loob ng salamin no'n ay may mamahaling bato na naka desenyo gaya ng Emerald stons. At ang upuan naman ay parang ginto dahil sa kulay, pati mga plato, kutsara, o Baso ay di mawawala ang naka desenyo na mamahaling bato na para bang ginawa talaga ito para sa kanila.

"Sa susunod balik natin dito mag nanakaw ako ha?" sabi ko kay Leighton habang inilibot ang aking paningin saloob. "Halos puro mga mamahaling bato ang nakikita ko rito eh." Dagdag ko pa. Ginulo niya ang buhok ko habang mahinang natawa.

"Silly girl." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Para akong di naka kita ng ganitong mga bagay dahil sa reaction ko but I don't care.

Hinila niya ako at pina-upo sa upuan sa tabi ng auntie niya at siya naman ay umupo sa upuan sa tabi ko.

"Welcome to the family ija!" Sigaw ng medyo may katandaang lalaki na nasa pinaka dulo ng lamesa.

"Welcome Zianna!!"Masayang sabi nila at inangat ang mga baso nila na may lamang magkaiba-ibang alak." Cheers for soon to be Forbes!!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon, masaya, namangha, nahiya at kung ano paman pero mas ramdam ko ang saya ngayon na namuo sa puso ko.

"They really like you." Mahinang bulong ni Leighton sa tenga ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang. Nag si-kain kami at nag kwentuhan at kulitan. Minsan nakikisabay ako sa kanila at kapag may tanong sila ay sumasagot ako. Si Leighton naman ay minsan lang mag salita dahil napipikon siya sa mga nang-aasar na pinsan niya.

Masarap silang kausap at ka-kwentuhan. Comfortable ang mga presensya nila kaya di ka maiilang at mahiya.

Pasado alas 10 na kami ng gabi naka pasok sa kwarto ni Leighton dahil napasarap ang kwentuhan namin ng mga kamag-anak niya.

"Thank you, ang saya-saya ko ngayon." Nakangiting sabi ko nang maka pasok kami sa kwarto at niyakap siya.

"Yeah, halata naman. That smile suits you. I love it." Sabi niya at hinalikan at sa noo at isinubsob sa dibdib niya. "Let's sleep, malalim na ang gabi." Malambing niyang dagdag nang maramdaman niyang humikab ako dahil sa antok.

That Property Is Mine|COMPLETED|Where stories live. Discover now