Chapter 21

965 24 4
                                    

6 months passed....

"Good morning everyone!" Masiglang bati ko sa mga anak ko at kay Leighton na ngayon ay nag lalaro sa may sala.

"Good morning."

Lumapit ako isa-isa sa kanila at binigyan sila ng halik sa noo.

"Aalis muna ako ngayon." Bigay alam ko sa kanila. Awtomatiko namang napatingin sakin si Leighton."Pupunta ako sa shop ko."

This past few months ay naging busy kami sa pag handa para sa papalapit na kasal namin ni Leighton. Ngayon lang siya may time sa mga bata dahil busy nga siya noong nakaraan kaya bumawi sa mga bata.

"Mag umagahan na tayo."Deklara ko at lumapit sa kanila at binuhat si Chiharu at nag lakad papunta sa kusina. Sumunod naman silang tatlo at kinulit pa ang daddy nila na buhatin din sila.

"Pwede kaming sumama?"Tanong ni Leighton at nag lalambing na yumakap sakin.

"Actually, No."Sagot ko kaya napanguso ito."Mas mabuti pa hintayin nyo nalang ako dito dahil I check ko lang maman ang wedding gown ko. Pagkatapos no'n uuwi ako at pupunta tayo sa kila mommy."

Umupo na ako at nag lagay ng pagkain sa plato. Susubuan ko sana si chiharu since siya lang naman ang di pa masyadong marunong kumain sa kanila. At ang dungis din kumain nang maunahan ako ng dalawa niyang kapatid na lalaki.

Ang isa ay sinubuan siya at ang isa naman ay taga pahid sa dumi nito sa mukha. Napagitnaan kasi si chiharu.

"Sweet naman ng mga kuya na yan..."

Nag katinginan lang kami ni Leighton at napangiti.

"They know how to take care of their one and only princess." Ani ni Leighton at naaliw na naka tingin sa mga anak namin.

Nag patuloy kami sa pagkain at hinayaan nalang ang dalawang lalaki naming anak na aksikasuhin ang babae nilang kapatid. Pero ginagabayan parin naman namin sila.

"Since I admire your family for being wonderful. Bakit hindi natin gawin, right? Let's make a wonderful family too, what do you think?"

"Hanga't kaya natin, why not?"Sagot niya kaya napangiti ako at nag patuloy sa pagkain.

Matapos kaming kumain ay si Leighton ang nag hugas ng mga pingan at ako naman ay umakyat sa taas kasama ang triplets at pinaliguan sila.

Matapos ko silang paliguan ay naligo na rin ako.

Matapos akong maligo ay nag bihis ako ng simpleng black dress at pinaresan ng stiletto.

"Aalis na ako." Sabi ko at humalik sa kanilang apat.

"Take care, I love you."

"I love the four of you. Bye-bye!"

PAGKA rating ko sa shop ay nandon si Vella at Afera kaya agad akong pumasok at niyakap sila.

"Long time no see guys!"Masiglang sabi ko.

"Yeah, long time no see nga."Sabi ni Afera at pabirong umirap.

"Bakit tagal nyong nawala?"

"Pano ba naman ay sunod sunod ang mission namin at isa pa ha. Kami ang tumangap sa mga mission mo."Masungit na sabi ni Vella.

"What?! Kaya ba wala akong natangap na missions?" Sabi ko at ngumuso. Ang unfair, hindi ako nag agent para lang ganituhin. I felt like walang silbi to our camp.

"Buti narin yon, focus ka muna sa kasal nyo. At isa pa, hindi pa tapos mission mo kay Leighton. Hindi lang siya ang babantayan mo, pati narin mga anak mo."Sabi ni Afera kaya tumango-tango nalang ako.

That Property Is Mine|COMPLETED|Where stories live. Discover now