CHAPTER 1

360 6 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

"Dad, are you kidding me?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Daddy na parang nababaliw na.

I can't believe this!

"Of course not, Kaia. I'm doing this for your safety dahil masyado ng delikado ang buhay mo at hindi ko hahayaan na masaktan ka nila, okay? You're the only one I have kaya gagawin ko ang lahat for your safety." He explained at parang may humaplos sa puso ko.

Bakit ba kasi siya pumasok sa pulitiko?

He's running for Senator again this year at balita ngayon na mainit ang labanan. Masyado siyang protective sa akin kaya ito mag-h'hire siya ng bodyguard for me.

He's worried about my safety, okay lang iyon. Pero ang may magbabantay sa akin, hindi okay iyon. Ayokong may bodyguard sa totoo lang, ilang beses ko ng sinabi sa kanya iyon. Ever since he entered the world of politics ay pinipilit niya rin akong magkaroon ng bodyguards pero hindi talaga ako pumapayag sa gusto niya.

"Dad, what if wag ka nalang tumakbo ulit bilang Senator? Ikaw na ang magsabi na delikado, so bakit kapa tatakbo? I'm worried about you too." Ayaw ko rin naman na mapahamak siya at masama sa mga gulo, pero nang dahil sa gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang mga ninuno ay ito siya, nasa pulitiko.

"I can take care of myself, young woman. Ikaw ang inaalala ko." Sumimangot ako.

"Pero ayaw ko pa rin ng bodyguard, Daddy." Ayaw ko ng may bumubuntot sa akin kahit saan ako pumunta. I just can't. Matigas ang ulo ko kaya kung ayaw ko, ayaw ko talaga. Pero mukhang seryoso talaga si Daddy na kukuha siya ngayon ng bodyguard for me.

"Kaia, isa lang naman. Syempre iba pa rin yung may malapit na nagbabantay sayo, yung kapag wala ako sa tabi mo nandyan siya para bantayan ka. Nag aalala lang talaga si Daddy sayo kaya wag na natin itong pagtalunan."

I stared at him, naawa ako dahil nakikita ko talaga ang pag-aalala sa mga mata niya.

I smiled. "Okay, hard-headed old man." He chuckled, and I rolled my eyes mentally.

"Thanks!"

"Pero pwede ba ako ang pumili ng bodyguard ko?" That's when he caught off guard and stared at me.

"You don't know what skills ang hinahanap ko sa isang bodyguard, Kaia. Hindi ito katulad ng mga empleyado mo, so let me be the one to find someone. I'm going to hire the best."

I raised my left eyebrow.

I am Kaia Fallon, I can do all things. Except for fighting for myself, iyon ang gusto kong matutunan. Gusto kong mag-train ng basic self-defense pero wala akong oras dito dahil I have restaurants and company to manage. Masyado ng time-consuming kung magtetraining pa ako. I was born busy that's all I know.

"Can I choose my bodyguard this time? Kung sino naman ang mapili mo kailangan din dumaan sa akin. Or send me their profiles and background information?"

"Fine. Ayaw ko ng makipagtalo ulit about dito. Alam ko naman na hindi ka papatalo sa lahat ng bagay." He laughed.

Right, he knows me well.

~~

PHYRA'S POV

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil nambubulabog nanaman ang matandang matabang ito.

"Pira, buksan mo itong pinto! Baka nakakalimutan mong ngayon ang sinabi mong araw na magbabayad ka ng upa?!" Galit na sigaw niya. Wala na, sira na ang beauty rest ko.

My ProtectorWhere stories live. Discover now